Los Baños, Laguna – Ipinagdiwang ng Asian Journal of Agriculture and Development (AJAD), ang internasyonal na peer-reviewed na siyentipikong journal ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), ang ika-20 anibersaryo sa pamamagitan ng isang seminar tungkol sa seguridad sa pagkain at katatagan ng agrikultura sa harap ng pabago-bagong hamon sa sektor.
Sa temang AJAD@20, itinampok sa seminar ang espesyal na anibersaryong edisyon ng journal na pinamagatang “Asian Agriculture and Development in a Dynamic and Volatile Landscape of Demands, Peoples, and Risks.”
Ito ay ginanap noong Pebrero 3, 2025 (Lunes) sa SEARCA Umali Auditorium, at napanood din sa Zoom at Facebook.
Masayang sinalubong at pinasalamatan ni Dr. B. Gregorio, SEARCA Center Director, ang mga panauhing pandangal, kabilang sina: Akademisyan Arsenio M. Balisacan, Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) at dating Direktor ng SEARCA;Patnugot ng AJAD at Senior Fellow ng SEARCA, Dr. Peter C. Timmer, Emeritus Professor mula sa Harvard University na lumahok online.
Akademisyan Alfredo Mahar Francisco Lagmay, Direktor ng University of the Philippines Resilience Institute.
Dumalo rin bilang mga tagatalakay sina Dr. V. Bruce Tolentino, Senior Fellow ng SEARCA at dating kasapi ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at Dr. David Dawe, na lumahok online.”
Kasama rin sa nabanggit na okasyon sina: Dating Direktor ng SEARCA, Akademisyan Ruben Villareal at Dr. Fernando Bernardo;
Ang papasok na Direktor ng SEARCA, Dr. Mercy Sombilla;
Mga katuwang mula sa UPLB, sa pangunguna ni Chancellor Jose Camacho Jr.; Mga lider mula sa Los Baños Science Community, mga may-akda at patnugot ng AJAD, dating kawani ng SEARCA, at iba pang panauhin.
Naging tampok sa programa ang talumpati ni Dr. Arsenio Balisacan, Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) at dating Direktor ng SEARCA. Ibinahagi niya ang kasaysayan ng AJAD at ang naging papel niya sa pagsisimula nito. Opisyal namang inilunsad ng Editor ng AJAD at dating Direktor Heneral ng NEDA ang AJAD Vol. 21 – 20th Anniversary Issue.
Ibinahagi naman ni Dr. Peter Timmer, Thomas D. Cabot Professor of Development Studies, Emeritus mula sa Harvard University ang kanyang sanaysay na “How I Learned to Stabilize Rice Prices and Why,” kung saan tinalakay niya ang mga aral sa pagpapababa at pagpapanatili ng presyo ng bigas.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay, Direktor ng UP Resilience Institute, ang tungkol sa “An Impact-Based Flood Forecasting System for Citizen Empowerment.” Ipinakita niya kung paano makakatulong ang agham sa pagbawas ng panganib mula sa pagbaha at iba pang suliraning dulot ng klima.
Ang AJAD@20 ay isang mahalagang pagdiriwang na nagbigay-daan sa talakayan hinggil sa hinaharap ng agrikultura sa Asya sa harap ng patuloy na pagbabago at hamon sa sektor.