image

QUEZON CITY — Iginiit ni PDP-Laban senatorial bet Atty. Raul Lambino na political harassment ang reklamong isinampa laban sa kanya ng NBI kaugnay ng umano’y maling balita tungkol sa TRO ng Korte Suprema na pumipigil daw sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama sa reklamo si Cong. Ronald Cardema, at inakusahan silang nagpapakalat ng fake news.

Sa naganap na presscon sa Kamuning Bakery Café, sinabi ni Lambino na inaasahan na niya ang ganitong hakbang mula sa gobyerno para sirain siya. Wala pa raw siyang natatanggap na kopya ng reklamo at hiniling na ipadala ito sa kanyang address sa Pangasinan.

Paliwanag niya, kaya siya nagpunta sa Korte Suprema ay para alamin kung totoo ang balita ukol sa TRO. Wala raw masama sa pag-verify ng impormasyon.

Dagdag niya, dapat maging tapat ang gobyerno sa kalusugan ng Pangulo. Binanggit niya ang isyu ng “pagdurugo ng gilagid” ng Presidente at sinabing nakakabahala kung hindi ito physically o mentally healthy.

Tinukoy din ni Lambino ang CPP-NPA-NDF bilang banta sa seguridad, lalo’t may posibilidad na bigyan ang mga ito ng amnestiya.

image

image