Isa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga unang ahensya ng gobyerno na agad tumugon matapos ang malakas na lindol na may lakas na 7.6 magnitude na tumama sa Rehiyon ng Davao noong Biyernes.Authorized Agent Corporations (AACs)
Agad na kumilos ang mga tauhan ng PCSO Davao Branch, kasama ang mga Authorized Agent Corporations (AACs) β Jambhala Gaming Corporation, Felicity Games and Amusement Corporation, at Plutus Gaming Corporation β upang maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Sa kabila ng mga matinding hamon, gaya ng hindi madaanan na mga kalsada patungo sa epicenter sa bayan ng Manay, agad na inilipat ng grupo ang kanilang operasyon sa karatig-bayan ng Tarragona. Ang PCSO ang naging unang organisasyon na nagsagawa ng relief drive doon matapos ang lindol.
Mula sa Mati City, naglakbay ang grupo upang magbigay ng tulong sa mahigit 500 pamilyang apektado sa Tarragona, kahit pa muling niyanig ng 6.7-magnitude na lindol ang lugar kinagabihan.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ang malawak na network ng PCSO na may 73 sangay at AACs sa buong bansa ang nagbibigay-daan upang makapaghatid sila ng agarang tulong sa mga komunidad na tinatamaan ng sakuna.
Dagdag pa niya, patuloy ang PCSO sa pagbibigay ng ayuda at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng disaster management upang matukoy ang mga pangangailangan at maipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong.
Bago ito, nagsagawa rin ang PCSO ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong βOpongβ sa Masbate at ng lindol na may lakas na 6.9 magnitude sa Cebu.