image

Giant Bamboo or Kawayan

Ang Giant bamboo o kawayan ay isa sa masasabing “hulog ng langit na panamin” dahil sa taglay nitong taas at ganda. Sa English tinatawag siyang Giant Grass. Masasabing walang katulad na pananim, kayang mabuhay sa ano mang uri ng lupa at panahon.

Ayon sa pag-aaral ng mga experto, ang kawayan ay sinasabing mabilis ang pagtaas,  halos isang metro sa bawat araw kumpara sa ibang species. Sinasabi pa, na ang kawayan ay hindi na nangangailangan ng abono at pestiside dahil wala umanong tamang gamot para sa peste. Matapos umanong maitanim ito puwede ng iwan.

Sa ginanap na Farm and Industry Encounters Through The Science and Technology Agenda (FIESTA) ng Northern Mindanao Consortium for Agriculture,  Aquatic and Natural Resources  Research and Development (NOMCAARRD), sa pamamagitan ng Department of Science and Technology – Philippine Council For Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) na nagbibigay ng tulong sa mga pilipino na may angking talino at galing, sa paglikha at pagtuklas ng ibat-ibang kaalaman na nau-ukol sa seyensiya at teknolohiya na makakatulong sa pag angat ng bansa.

Ang nasabing  selebrasyon ay ginanap nitong nakaraang Marso 21-22, 2018 sa Central Mindanao University, University Convention Center sa Brgy. Musuan, Maramag, Bukidnon (Region- X).

Sa ginanap na forum sa nabanggit na okasyon, sinabi ni Myrna S. Decipulo, isang Germinants Farm Owner at naging isa sa speaker na nagpaliwanag hingil sa Bamboo Production Technology, na ang kawayan ay isang uri ng pananim na kayang tumbasan ang ano mang uri ng kahoy, na kung ano ang nagagawa sa kahoy ay kaya ring magawa sa Kawayan.

Pupuwede umanong gawing pangdingding, pansahig, furniture, banig, basket, pangbakod, pintuan, at ngayon, ginagamit na rin umano itong case ng celphone at maraming iba pa na pupwedeng pagamitan ng kawayan.

Sinabi pa ni Decipulo na isang oppurtunidad para sa mga magsasaka sa Region 10 ang pagtatanim nang kawayan. Mabilis umano itong tumubo, at sa loob lamang ng tatlong taon maaari na itong i- harvest at mai-benta sa lokal at mga foreign investors.

kung kakayanin umano ng mga magsasaka na makapag harvest ng isang libong kawayan sa araw-araw, ito ang magiging daan ng kanilang pag-uunlad.

Ayon naman sa isa pang speaker na si Dr. Rico Marin, CMU Researcher/ Dean, College of Forestry, na napakahalaga ng kawayan, na kaya umano nitong maprotektahan ang Environment maging ang epekto ng Climate Change sa pamamagitan ng pagtatanim ng kawayan. Nabaggit pa nito na magandang itanim ang giant bamboo subalit, mas mainam na itanim na uri ng kawayan para mapigilan ang soil erosion ang medium size na kawayan kumpara sa Giant Size. Ang giant size umano ay kayang ibuwal ng hangin dahil sa taas nito, samantalang ang medium size ay hindi kayang ibuwal dahil sa mababa ito.

Sa isinagawang research ni Dr. Marin, na kapag panahon ng tag-ulan nasa 90.12 tons/hec ang dami ng soil erosion, samantalang nasa 22.66 ton/ hec. lamang ang erosion kapag may tanim na kawayan sa nasabing lugar.

image