Pinagtibay na mga Resolusyon sa Convention on Migratory Species
LIMANG resolusyon na isinumite ng Pilipinas ang pinagtibay ng Conference of the Parties (COP) sa Convention on Migratory Species of Wild Animals (CMS) na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) mula Oktubre 23 hanggang Oktubre 28, 2017. Mithiing higit pang pangalagaan ang mga migratory species na regular na dumarayo sa bansa, kabilang na ang whale shark o butanding. Naglalayong mapangalagaan ang mga migratory species kung saan ang nasabing pagtitipon ay may mga kinatawan ng mga bansa. Ang mga migratory species ay patuloy na nanganganib sa pagkaubos dahil sa pangangaso, polusyon, panghuhuli, pagkasira ng kanilang tirahan, at marami pang iba Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga pinagtibay na resolusyon na inihain ng delegasyon ng Pilipinas kabilang ang pagprotekta sa whale shark o butanding, Christmas Island frigatebird (Fregata andewsi), yellow bunting (Emberiza sulphurata), worcesteri sub-species ng black noddy (Anous minutes), and white-spotted wedgefish (Rhyncobatus australiae). Ayon kay DENR Undersecretary Ernesto Adobo, Jr. na ang ginawang pagpapatibay sa mga nasabing resolution ay isang tagumpay hindi lang ng kapaligiran kundi ng mga susunod pang henerasyon at ito daw ang ating kontribusyon sa pangangalaga ng migratory species. Ang tinawag na pinakamalaking pagtitipon ng mga eksperto ukol sa mga buhay-ilang na mga hayop ngayong taon ay mahigit isang libong kasapi mula sa iba’t-ibang sulok ng mundo ang dumating at lumahok. Tiniyak naman ni DENR Secretary Roy A. Cimatu, sa...
Read More