Author: Raffy Rico

Metro Manila mayors todo paghahanda vs. leptospirosis

Ngayong tag-ulan, puspusang naghahanda ang Metro Manila Council (MMC) para sa mga epekto ng bagyo, kabilang ang pagbaha, pagkaka-stranded ng mga tao, at pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit. Bilang tugon, lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ay pumayag sa isang resolusyon mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglunsad ng information and education campaign para magbigay ng kaalaman tungkol sa sakit na leptospirosis. Ang sakit na ito ay nakukuha mula sa ihi ng daga na humahalo sa baha. Kasama sa MMDA Regulation No. 24-003 (series of 2024) ang pagbabawal sa pagligo o paglubog sa...

Read More

CFO Chief Arugay: Gobyerno, Mas Lumalapit sa mga Pilipino sa Ibang Bansa

LUNGSOD NG PASIG – Ayon kay Secretary Romulo “Leo” V. Arugay, Chairperson ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), mas pinalalapit ng gobyerno ang mga programa nito sa mga Pilipino sa ibang bansa. Si Arugay ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Enero 13, 2023. Kahit naninirahan na siya sa New Zealand, may malalim siyang kaalaman sa Oceania at sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Tubong Talavera, Nueva Ecija si Arugay, at nagtapos ng high school sa Tuguegarao City. Sa ginanap na “Kapihan sa Metro East Media Forum,” sinabi ni Arugay na itinatag ang CFO noong 1980 sa...

Read More

National Assembly ng PFP, Pinangunahan ni Verceles at Ulangkaya

Naganap ang National Assembly ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) noong Setyembre 14, 2024, sa Club Filipino, San Juan. Pinangunahan ito ni Atty. Leandro Verceles, Pangulo ng PFP, at ni Assam Ulangkaya, Bise Presidente para sa Mindanao, kung saan pinag-usapan ang mga susunod na hakbang ng partido. Kasama sa mga dumalo sina PFP National Treasurer Antonio Marfori, Bise Presidente para sa Luzon Gabriel Sotto, Edwin Chiong (National Chairman para sa Region XI), Janet Ong (NCR Chairman), Alfred Soriano, TJ Rodriguez (Secretary General), at Kinatawan Rodante Marcoleta. Tinalakay ang pagpapalit ng termino ng mga opisyal, quorum na nasa 40%, at...

Read More

Pormal na Panunumpa ng mga Opisyal at Direktor ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps Isinagawa!

Makikita sa larawan ang mga bagong halal na opisyal ng PaMaMariSan – Rizal Press Corps para sa termino ng 2024-2026, kasama ang ilang mga panauhing pandangal matapos ang kanilang induction at panunumpa. Noong Huwebes (Sept. 12), Isinagawa sa Kapitan Moy Restaurant sa Marikina City ang induction at panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Sa mensahe ni City Administrator Melvin Cruz na ang kaibahan ng social media ngayon ay ang mabilis na feedback o reaksyon kung tama ba o peke ang isang balita, at ang agarang epekto...

Read More

Rep. Marcoleta Isinusulong ang Paglikha ng Barangay Affairs at Development Fund

Quezon City – Naghain si Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta ng panukalang batas para lumikha ng Barangay Affairs and Development Fund.. Ito ay sa pamamagitan ng House Bill No. 9400, na isinampa niya sa ikatlong sesyon ng 19th Congress. Sa isang press conference noong Huwebes (Sept. 12) sa PCDC Building, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, sinabi ni Marcoleta na mahalaga ang panukalang batas na ito upang matulungan ang mga barangay na matagal nang napapabayaan. Ayon sa kanya, sa 42,000 barangay sa buong bansa, 2 porsyento lamang ang kayang tumayo nang mag-isa. Sa kanyang mga konsultasyon, nakita ni Marcoleta ang...

Read More

PhilAAST Inihayag ang Ika-73 Taunang Kumperensya ukol sa Seguridad sa Pagkain

Inaanyayahan ng Philippine Association for the Advancement of Science and Technology (PhilAAST), sa pangunguna ng kanilang Pangulo at dating Kalihim ng DOST na si Fortunato T. De La Peña, ang mga siyentipiko, mananaliksik, lider ng industriya, at mga akademiko ng bansa na dumalo sa ika-73 Taunang Kumperensya. Gaganapin ang kaganapan sa Lunes, Setyembre 9, 2024, sa Manila Hotel. Ang tema ng kumperensya ay “Tiyakin ang Seguridad sa Pagkain sa pamamagitan ng Agham, Teknolohiya, at Inobasyon,” at tututok ito sa paggamit ng mga agham para matugunan ang mga isyu sa seguridad sa pagkain. Ang Kalihim ng DA na si Francisco...

Read More

Mayor Marcy Teodoro: Panawagan para sa Makatarungang Imbestigasyon

Nanawagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro ng patas na imbestigasyon hinggil sa kasong isinampa laban sa kanya sa Ombudsman, na tila may bahid ng pulitika. Ayon kay Teodoro, kaduda-duda ang timing ng kaso dahil isang buwan na lang ay magsisimula na ang filing ng certificate of candidacy. Bukod dito, kilala niya ang nagsampa ng kaso na aktibo rin sa pulitika, kaya’t pinagdududahan niya ang tunay na motibo nito. “Nagtataka ako dahil wala naman siyang personal na kaalaman at hindi rin siya apektado ng isyu,” ani Mayor Teodoro. “Wala siyang direktang impormasyon at kailangan pang beripikahin ang mga paratang niya.”...

Read More

Marikina, DOTr Nagbukas ng Bagong Pasilidad para sa mga Siklista

MARIKINA CITY— Upang hikayatin ang mas aktibong pamumuhay at bawasan ang carbon emissions sa lungsod, binuksan ng lokal na pamahalaan ng Marikina at ng Department of Transportation (DOTr) ang isang end-of-trip facility para sa mga siklista noong Huwebes, Agosto 29, 2024. Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista, Assistant Secretary James Andres Melad, Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, at First District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro ang seremonya ng pagbubukas at unveiling ng marker ng bagong pasilidad sa Marikina Central Parking Area (MCPA). Ayon kay Bautista, ang pasilidad ay may 35 bike racks na kayang tumanggap ng hanggang 70 bisikleta. Mayroon...

Read More

Rep. Lee at Labor Leader Espiritu Nananawagan para sa Maayos na Benepisyo sa PhilHealth at suporta sa mga magsasaka

PASIG CITY – Noong nakaraang Agosto 28, 2024, ipinahayag ni AGRI Party-list Rep. Wilbert “Manoy” T. Lee at labor leader Atty. Luke Espiritu ang kanilang mga prayoridad para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Binibigyang-diin nila ang pagpapalawak ng benepisyo ng PhilHealth, pagpapaigting ng suporta sa mga magsasaka, pagkakaroon ng abot-kayang pagkain, at sapat na kita para sa lahat. Binigyang-diin ni Rep. Lee na palawakin ang serbisyo ng PhilHealth, lalo na’t mayroong mahigit PHP 700 bilyon na pondo, upang dagdagan ang saklaw ng kalusugan at bawasan ang kontribusyon. Inihayag ni Manoy Lee ang kanyang pangamba sa planong paglilipat ng...

Read More

Lee Nanawagan ng Agarang Suporta at Benepisyo para sa mga Magniniyog

AGRI Party-List Congressman Wilbert “Manoy” T. Lee, pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Sa pagdiriwang ng ika-38 Philippine Coconut Week, binigyang-diin ni Cong. Wilbert “Manoy” T. Lee na upang maging nangungunang exporter ng niyog sa mundo, kailangang unahin ng gobyerno ang proteksyon ng mga magniniyog sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paglabas ng coco levy funds at mga nararapat na benepisyong pangkalusugan. Habang nasa Pangasinan para pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), muling nanawagan si Lee matapos aprubahan ni Pangulong...

Read More