Author: Raffy Rico

No to US-BBM Proxy War, No to EDCA Bases! – Peace Advocates

LUNGSOD QUEZON – Nagsagawa ng protesta ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan, na kilala bilang “Koalisyon ng Mamamayan Kontra Giyera”, laban sa diumano’y pakikialam ng Estados Unidos at presensya ng mga base ng EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sa Pilipinas noong Lunes, Hulyo 29. Ang grupong “Anti-Imperialist Coalition” ay nagmartsa sa Lungsod Quezon patungo sa isang event na pinangunahan ni Ka RJ Abellana. Ang tema ng event ay “No to US-BBM Proxy War, No to EDCA Bases! Blinken-Austin Get Out, Stay Out!” Sa na ginanap sa Aberdeen Court, Quezon Avenue, binigyang-diin ni Herman Laurel, Pangulo ng Asian Century Philippines Strategic...

Read More

62,000 Miyembro ng DepEd Union, Nananawagan ng Career Progression sa DBM at DepEd

PASIG CITY – Noong Lunes Hulyo 29, nanawagan si Atty. Domingo Alidon, Pambansang Pangulo ng 62,000-kataong Department of Education National Employees Union (DepEd NEU), para sa career progression ng mga non-teaching personnel sa buong bansa. “Pinasasalamatan namin ang Kongreso para sa batas RA 9115 na nag-uutos na dapat may abogado sa lahat ng tanggapan ng dibisyon,” sabi ni Atty. Alidon sa isang panayam ng mga mamamahayag mula PaMaMaRiSan. Ayon kay Atty Alidon, ang mga non-teaching personnel tulad ng mga admin officer at accountant ay nangangailangan ng career progression. Sa kasalukuyan, ang mga katamtamang laki ng opisina ay mayroon lamang...

Read More

PCSO Planong Palawakin pa ang Betting Platforms

“Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) Chairman Felix Reyes matapos bisitahin at makapanayam ng PaMaMariSan Press group kamakailan.” Inanunsyo ng chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Felix Reyes ang plano nilang palawakin ang betting platforms upang mapataas ang kita. “Pinag-iisipan namin ang muling pagbabalik ng online lotto, ngayon ay sa pamamagitan ng mobile app,” sabi ni Reyes, isang retiradong RTC judge, sa isang pulong kasama ang PaMaMariSan Rizal Press Corps. “Nagawa na namin ang test phase gamit ang web application, pero mukhang mas gusto ng mga tao ang mas simpleng paraan,” dagdag niya. Magpapakilala rin ang PCSO ng...

Read More

DepEd Sec. Angara Nanguna sa Pagpapatupad ng Career Progression ng mga Guro sa Pampublikong Paaralan

LUNGSOD NG PASIG — Pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang seremonyal na pagpirma ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order No. 174, serye ng 2022, “Establishing The Expanded Career Progression System for Public School Teachers” na ginanap sa Bulwagan ng Karunungan ng DepEd Central Office noong Biyernes, Hulyo 26. Kasama niyang pumirma sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman at Professional Regulatory Commission (PRC) Chairperson Charito A. Zamora. Dumalo rin sina Civil Service Commission (CSC) Commissioner Ryan Alvin R. Acosta, House Committee on Basic Education Chair Pasig...

Read More

Negosyante, Kinuwestiyon ang ₱9.6-B City Hall Project ng Pasig City

LUNGSOD NG PASIG — Nananawagan ang isang negosyante kay Mayor Vico Sotto na bawasan ang gastusin ng planong PHP9.6 bilyong proyekto ng city hall. Ang mungkahi ay nagmula kay Curlee Discaya ng St. Gerrard Charity Foundation, na kinuwestiyon ang sobra-sobrang ganoon kamahal na proyekto. Sa kanyang liham, hinimok ni Discaya si Mayor Sotto na muling pag-aralan ang proyekto at bawasan ang budget nito na mula sa PHP9.6 billion ay gawin na lang na ₱3.2 billion. Ayon sa kanya, sapat na ang ganitong halaga para makapagpatayo ng moderno at kahanga-hangang city hall complex, habang ang matitipid na halaga na ₱6.4...

Read More

Relief Goods ng PCSO sa mga Sinalanta ng Bagyong Carina Umabot na sa ilang Lalawigan

Nasa larawan (mula kaliwa) sina General Manager Mel Robles at Valenzuela Mayor Wesley Gatchalian, na hawak ang Charitimba na naglalaman ng bigas, grocery, at iba pang relief goods. Kasama rin sa larawan ang dalawang miyembro mula sa Valenzuela Alert Center. Ito ay kuhang larawan sa paglulunsad ng ahensya at sangay nito ng relief operation sa mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina. (Photo courtisy of PCSO) Patuloy ang paghatid ng tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mamamayang naapektuhan ng Bagyong Carina. Bukod sa Metro Manila, nakapagbigay na rin ang PCSO ng relief goods sa mga lalawigan...

Read More

San Juan City, Tumutugon sa Kaligtasan ng mga Residente

San Juan City – Dahil sa matinding pagbaha na dulot ng habagat at Bagyong Carina, inatasan ni Mayor Francis Zamora ang lahat ng opisyal at tauhan ng lungsod na magtulungan para sa kaligtasan ng mga residente. Mula pa noong lunes ng hapon hanggang ngayon, patuloy na tumutugon ang lungsod sa pangangailangan ng mga kababayan. Simula alas-11 ng umaga kanina, nailikas na ang 559 katao mula sa 118 pamilya sa San Juan City Gym. Ang bilang ng mga lumilikas ay patuloy na nadaragdagan. May mga tent sa loob ng gym para sa pansamantalang tirahan at tumatanggap ang mga evacuees ng...

Read More

DepEd Chief Angara Nanguna sa Pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Mandaluyong

MANDALUYONG CITY — Kahit na may bagyong Carina, dumalo pa rin si Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara sa pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Mandaluyong City. Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay may temang “Matatag Bansang Makabata Batang Mabansa,” bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Kasama ni Angara sina DepEd Undersecretary Atty. Revsee A. Escobedo, DepEd NCR Regional Director Jocelyn D. R. Andaya, at iba pang opisyal ng DepEd. “Bagamat malakas ang ulan, ito’y isang ‘Sonny’ na araw,” sabi ni Andaya. Sinabi niya na may tatlong milyong mag-aaral na ang nasa mga paaralan at ang mga...

Read More

Mandaluyong Namahagi ng School Supplies para sa Balik Eskuwela 2024-2025

Sa pagbabalik-eskwela ngayong school year 2024-2025, namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong . Pinangunahan ni Vice Mayor Menchie Abalos at ng Sangguniang Panlungsod ang simbolikong pamamahagi ng mga school supplies at uniporme noong Lunes, sa flag raising ceremony sa city hall. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Balik Eskwela 2024-2025 ng pamahalaang lungsod, na ginanap sa City Hall Executive Building Atrium, Mandaluyong noong Hulyo 22, 2024. Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na sinimulan na nila ang pamamahagi ng libreng rubber shoes, mga kagamitan sa eskwela, at uniporme para...

Read More

Ortigas Art Festival 2024: Ipinagdiriwang ang Ikapitong taon

Ipinagdiriwang ng Ortigas Art Festival ang ikapitong taon nito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng abot at pagbibigay-pansin sa mas maraming artista mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sa temang “Sining para sa Lahat: Pagdiriwang ng Walang Hangganang Pagpapahayag ng Sining,” maaring maranasan ng mga bisita ang mas malaking Ortigas Art Festival mula Hulyo 18 hanggang Agosto 18 sa East Wing ng Estancia Mall, Pasig City. Tampok dito ang libu-libong Pilipinong artista na magpapakita ng kanilang makulay na sining at mag-aalok ng iba’t ibang workshops. Ang Ortigas Art Festival ay isang award-winning event, kinilala ng Anvil Awards (Silver Award)...

Read More