Author: Raffy Rico

DepEd Employees Union: Umaasa sa Pamumuno ni Sonny Angara

Mainit na tinanggap ng DepEd Employees Union ang bagong upong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Juan Edgardo “Sonny” Angara. Ayon kay DepEd EU President Domingo Alidon, ikinagagalak ng mga non-teaching personnel ang pagdating ni Angara at umaasa sila na matutupad ang limang pangunahing layunin ng unyon, kabilang ang paggalang sa kalayaan sa organisasyon. Sinabi ni Alidon na umaasa silang magkakaroon ng pagkakataon na personal na makausap at maka-daupang palad si Secretary Angara upang talakayin ang kalagayan ng mga non-teaching personnel. Ito ay bunsod ng kanilang karanasan sa dating kalihim, si VP Sara Duterte, na sa loob ng...

Read More

Health Advocates Binatikos ang DOJ sa pag-apruba ng mga Donasyon mula sa Industriya ng Tabako

Maynila, Hulyo 12, 2024 – Inihayag ng civil society group at mga dating opisyal ng gobyerno ang kanilang pagkadismaya sa pag-apruba ng Department of Justice (DOJ) sa mga donasyon mula sa industriya ng tabako sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Noong Hunyo 6, 2024, sinabi ng DOJ na ang patakarang nagbabawal sa hindi kinakailangang pakikipag-ugnayan sa industriya ng tabako ay para lamang sa mga indibidwal na opisyal ng gobyerno, hindi sa mga institusyon ng gobyerno. Ipinaglalaban ng mga magulang at tagapagtaguyod ng kalusugan sa Pilipinas na ang opinyong ito ay lumalabag...

Read More

Mambabatas, kinuwestiyon ang P18B halaga ng teknolohiya na gagamitin sa 2025 election

Hindi pa man nagsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbong politiko sa darating na halalan sa susunod na taon, noong Martes, Hulyo 9, isiniwalat ni Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta ang mga umano’y paglabag ng Commission on Elections (Comelec) bago ang mid-term elections sa Mayo 2025. Sa isang press conference sa Seda Hotel sa Vertis North, binatikos ni Marcoleta ang Comelec sa pagbili ng teknolohiya mula sa Miru ng South Korea, na sinasabing hindi tumutugma sa Automated Election Law. Binanggit niya ang mga problema sa teknolohiyang ito sa nakaraang halalan sa bansang Congo at Iraq....

Read More

Unang Ginang at dating Unang Ginang Marcos bumisita sa Marikina Shoe Musium

Bumisita sina Unang Ginang Louise “Liza” Araneta Marcos at dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa Shoe Museum sa Marikina para sa muling pagbubukas nito. Sila ang naging panauhing pandangal sa naturang okasyon. Ang muling pagbubukas ng museo ay nagsimula sa isang ribbon-cutting ceremony na dinaluhan din nina Special Envoy to the United Arab Emirates Kat Pimentel, Congresswoman Maan Teodoro, at Mayor Marcy Teodoro. Pagkatapos ng seremonya, nilibot ng mga panauhin ang bagong ayos na Shoe Museum. Tampok dito ang 800 pares ng sapatos ni Former First Lady Imelda Marcos, mga sapatos ng mga dating pangulo, senador, miyembro ng...

Read More

Mga Dating Heneral at Opisyal ng AFP, PNP Suportado ang Pagtakbo ni Querubin sa Senado

SAN JUAN CITY – Nagpahayag ng suporta ang mga dating pinuno at opisyal ng AFP at PNP mula sa iba’t ibang administrasyon (Arroyo, Aquino, Duterte, at Marcos) para sa pagtakbo sa Senado ni Col. (Ret.) Ariel Querubin. Naganap ang pagtitipon sa Club Filipino noong Hulyo 8 upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at pag-endorso kay Querubin, na kilala rin bilang “Push-Up Man,” sa gitna ng mga isyu sa West Philippine Sea at pambansang seguridad. Sa event na pinamagatang “A Gathering of Warriors,” mahigit 2,000 dating heneral at opisyal ng AFP at PNP ang pumirma ng manifesto para suportahan si Querubin....

Read More

Taunang Back-to-School Shoe Bazaar sa Marikina, Bukas na!

Pormal nang binuksan ang taunang Balik Eskwela Shoe Bazaar sa Marikina, nitong Lunes, Hulyo 8. Tampok sa nasabing bazaar ang 43 stall ng mga produktong yari sa balat at magtatagal ito hanggang Agosto 18, 2024. Matatagpuan ang shoe bazaar sa Marikina Freedom Park, sa tapat mismo ng City Hall. Layunin ng programang ito na magbigay ng dekalidad at abot-kayang sapatos sa presyong pabrika, ito ay para sa mga estudyante at kanilang pamilya bilang paghahanda sa darating na pasukan. Pinangunahan ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, mga konsehal ng Marikina City at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang ribbon-cutting ceremony...

Read More

DOST Undersecretary Mabborang Tumanggap ng Gintong Medalya mula sa Pamahalaan

ISA sa ginawaran ng Gintong Medalya para sa Pagseserbisyo sa Pamahalaan si DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang. Ang parangal na ito ay pagkilala sa mga natatanging Cagayano para sa kanilang talino, integridad, tiyaga, sigasig, serbisyo, at dedikasyon sa paglilingkod sa pamahalaan. Ang parangal na ito ay patunay ng kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pagbuo ng bansa. Siya ay naglingkod sa iba’t ibang komunidad ng mahusay, lumampas pa sa kanyang tungkulin, at naging inspirasyon sa kanyang mga kasama at kapwa ang pagtutok sa makabagong agham, teknolohiya, at inobasyon. “Bilang isang Cagayano, ang parangal na ito ay...

Read More

Sen. Robin Padilla Bibida sa Pelikula Batay sa Buhay ni Ex-Sen. Gringo Honasan

Gaganap bilang pangunahing bida si Senador Robinhood “Robin” Padilla sa paparating na pelikulang “Gringo.” Tampok ang buhay ng dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan, isang dating rebelde at naging Kalihim ng Information and Communication Technology (DICT). Sa ginanap na press conference kamakailan, inanunsyo na nakatakdang simulan ang paggawa ng pelikula sa Hulyo 8. Kasama sa press conference sina Scriptwriter Eric Ramos at Executive Producer Sec. Mike Defensor. Ayon kay Ramos, karangalan ang isulat ang biopic ni Sen. Honasan. Si Ramos rin ang sumulat ng pelikulang “Mamasapano. “Binanggit ni Ramos na parehong nagtapos sa Philippine Military Academy sina Sen. Honasan at...

Read More

5K Mandaleño Tumanggap ng Libreng Serbisyo Medikal sa Lab For All

Libreng medikal at pisikal na eksaminasyon, konsultasyon, gamot, at mga pangunahing laboratory test ang natanggap ng 5,000 residente ng Lungsod ng Mandaluyong sa ilalim ng “Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat” ng National Government. Ang espesyal na PRIDE edition ng programa ay pinangunahan ng Unang Ginang Liza Marcos at ilang miyembro ng gabinete, kasama sina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos. Ginawa ito sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium noong Lunes, June 24. Dumalo rin sa programa sina: DILG Secretary Benhur Abalos, PhilHealth President at CEO Emmanuel, Ledesma, Pag-lBIG Fund...

Read More

PSFM, Nanguna sa Kampanya Laban sa Nicotine Addiction ng Kabataan

Sa paggunita ng “National No Smoking Month” ngayong Hunyo at matapos maulat ang unang pagkamatay na may kaugnayan sa paggamit ng vape sa bansa, nanguna ang Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) sa isang aktibidad na naglalayong maiwasan ang nicotine addiction sa kabataan. Sa programa na ginanap sa Tondo, Manila, nagtipon ang iba’t ibang organisasyon at mahigit 70 magulang upang palawakin ang kamalayan ng mga batang Manileño tungkol sa mga panganib ng paninigarilyo at vaping. Ayon kay Rizza Duro, National Coordinator ng PSFM, ang unang “vape-related death” ay nagpapakita ng pangangailangan na tutukan ng mga lokal na pamahalaan ang isyu. “Ang...

Read More