Pagpapalakas ng Seguridad sa Eastern Police District (EPD) Paiigtingin pang lalo
Para masiguro ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa buong National Capital Region (NCR), nagsagawa ng command conference ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Director PMGen Melencio Nartatez, Jr.. Ang pagpupulong ay ginanap sa Marikina Hotel and Convention Center na dinaluhan ng mga opisyal ng Eastern Police District (EPD). Sa pagbisita ni NCRPO Director Nartatez, sinalubong siya nina EPD Director BGen. Wilson Asueta at mga Chief of Police ng Marikina, San Juan, Pasig, at Mandaluyong. Pinangunahan ni BGen. Asueta ang presentasyon ng mga nagawa at sitwasyon ng krimen sa bawat lungsod na sakop ng EPD....
Read More