Author: Raffy Rico

Tatlong Makabagong Teknolohiyang Pinoy Laban sa ASF, Inilunsad ng DOST at BioAssets

IBIS Styles Manila — Bilang tugon sa patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) sa industriya ng baboy, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at BioAssets Corporation ang tatlong makabagong teknolohiya para sa mas mabilis na pagtukoy at epektibong pamamahala ng ASF virus. Sa isinagawang forum noong Lunes, Hulyo 28, na may temang “PigUsapan: Teknolohiya sa Tao, Agham, Teknolohiya at Inobasyon Laban sa ASF,” inilahad ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na 76 sa 82 probinsya sa bansa ang tinamaan ng ASF mula nang unang maitala ito noong 2019. Ayon sa Department of Agriculture (DA), nananatili...

Read More

Taytay, Isinailalim sa State of Calamity dahil sa Baha

TAYTAY, RIZAL — Idineklara na ni Mayor Allan De Leon ang State of Calamity sa bayan ng Taytay dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan at banta ng paparating na bagyo na may kasamang Habagat. Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang mga karatig-bayan tulad ng Cainta at San Mateo. Humiling na rin si Mayor De Leon sa Sangguniang Bayan na maipasa ang deklarasyon upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-ulan at may mga lugar pa rin sa Taytay na lubog sa baha. Namahagi na...

Read More

Relief Operations ng PCSO, Umarangkada ng 2 Araw sa Taytay, Rizal

TAYTAY, RIZAL — Dalawang sunod na araw nang nagsagawa ng relief operations ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dulot ng Bagyong Crising at Habagat. Noong Hulyo 22, pinangunahan ni PCSO Director Janet De Leon Mercado ang pamamahagi ng 516 Charitimba—mga food packs na bahagi ng PCSO’s Corporate Social Responsibility (CSR) program. Ang inisyatibong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang makapaghatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad. Nasundan ito kinabukasan, Hulyo 23, ng panibagong relief mission ng PCSO,...

Read More

Pribadong Sektor, Tumugon sa Panawagan ng Serbisyo sa Cainta

CAINTA, RIZAL — Sa gitna ng mga pagsubok dulot ng  nananatiling matatag at maagap ang pamahalaang lokal ng Cainta sa pamumuno ng masigasig at mapagmalasakit na si Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto. Sa gitna ng patuloy na pagharap ng bayan sa mga hamon dulot ng matitinding pag-ulan at pagbaha, isang munting tulong ang hatid sa ating mga kababayan sa Cainta mula sa mga katuwang na pribadong sektor at indibidwal na may malasakit. Naghandog ang Wingzilla Philippines at si Boss Anthony C ng 100 packed meals bilang dagdag-lakas at moral boost para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. Kasama...

Read More

DOST, pinalalakas ang inobasyon, tech hub, at gender equality sa agham

MANILA — Pinalalakas ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng teknolohiya at pananaliksik sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng centralized tech hub na magsisilbing resource center para sa mga innovator, investor, at publiko. Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., bahagi ito ng mas malawak na estratehiya para isulong ang mga bagong teknolohiya at maging ang mga lumang ideya na may panibagong gamit sa kasalukuyang panahon. “Magiging sentro ito ng mga teknolohiyang maaaring gamitin ng mga nais mamuhunan o magsimula ng proyekto,” ani Solidum sa 8th National Research and Development Conference (NRDC) sa Manila Hotel...

Read More

DOST, Naglatag ng Gabay para Isulong ang Inobasyon at Teknolohiya

Naglabas ng bagong mga patnubay ang Department of Science and Technology (DOST) para sa pagpapalaganap ng inobasyon at teknolohiya sa iba’t ibang sektor gaya ng pagkain, agrikultura, kalusugan, at kalikasan. Ayon kay DOST Secretary Dr. Renato Solidum Jr., isinasagawa ang National Research Development Conference (NRDC) upang ipakita sa publiko ang mga pananaliksik at teknolohiyang maaaring magamit sa totoong buhay, alinsunod sa Technology Transfer Law. “Layunin ng NRDC na pagtagpuin ang mga imbentor at posibleng mamumuhunan,” aniya. “Suportado ng DOST ang mga proyekto mula pananaliksik hanggang sa pag-apruba at paggamit nito sa komunidad o negosyo.” Binanggit din niya ang planong...

Read More

Mayor Maan Teodoro Idiniklara ang State of Calamity sa Lungsod ng Marikina

MARIKINA CITY — Pormal nang idineklara ni Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro ngayong araw, Hulyo 23, ang Lungsod ng Marikina sa ilalim ng State of Calamity sa bisa ng City Council Resolution No. 25-013, kasunod ng matinding epekto ng mga pagbaha at iba pang kalamidad sa ilang bahagi ng lungsod. “Bilang inyong Mayor, ating idineklara ang Lungsod ng Marikina sa ilalim ng State of Calamity alinsunod sa City Council Resolution No. 25-013,” pahayag ni Mayor Maan sa isang opisyal na anunsyo. Layon ng deklarasyong ito na mapabilis ang pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente,...

Read More

eGovPH Serbisyo Hub, Inilunsad sa San Juan

SAN JUAN CITY — Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis, mas madali, at mas malapit sa mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, opisyal nang inilunsad noong Biyernes, Hulyo 18, ang Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub (BPESH) sa San Juan National Government Center. Pinangunahan mismo ng Pangulo ang pagbubukas ng BPESH, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamumuno ni Secretary Ivan John Uy, ang lokal na pamahalaan ng San Juan sa pamumuno ni Mayor Francisco Javier Zamora, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ang BPESH...

Read More

Libreng Nihonggo Training, Alok ng Marikina para sa mga Gusto Magtrabaho sa Japan

MARIKINA CITY – Isang libreng anim-na-buwang pagsasanay sa wikang Hapon ang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina nitong Lunes, katuwang ang Sakai City ng Japan at ang Onodera User Run, upang matulungan ang mga estudyante at bagong graduates na makapagtrabaho sa Japan. Ang programa ay isinagawa sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Sakai City sa Japan, katuwang ang Onodera User Run, isang Japanese organization na nagbibigay ng training at job placement assistance para sa mga nais magtrabaho sa Japan. Ayon kay Marikina City Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, bukas na ang learning facility ng Onodera User Run sa...

Read More

Mas Mabilis na Pag-renew ng Lisensya Inilunsad sa Pamamagitan ng ODLRS

LUNGSOD NG QUEZON — Pormal nang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) ng Land Transportation Office (LTO) noong Huwebes, Hulyo 10, sa Bulwagang Romeo F. Edu sa LTO Central Office. Ayon kay DOTr Secretary Vince B. Dizon, ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis, magaan, at accessible ang proseso ng pag-renew ng driver’s license. “Ang utos ng Pangulo ay gawing online ang license renewal para hindi na mahirapan ang publiko,” ani Dizon sa isang press conference....

Read More