Author: Raffy Rico

Mas Mabilis na Pag-renew ng Lisensya Inilunsad sa Pamamagitan ng ODLRS

LUNGSOD NG QUEZON — Pormal nang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) ng Land Transportation Office (LTO) noong Huwebes, Hulyo 10, sa Bulwagang Romeo F. Edu sa LTO Central Office. Ayon kay DOTr Secretary Vince B. Dizon, ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis, magaan, at accessible ang proseso ng pag-renew ng driver’s license. “Ang utos ng Pangulo ay gawing online ang license renewal para hindi na mahirapan ang publiko,” ani Dizon sa isang press conference....

Read More

8th Ortigas Art Festival 2025 binuksan kasabay ng ika-94 na Anibersaryo ng Ortigas Land

SAN JUAN CITY — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-94 na anibersaryo ng Ortigas Land, pormal nang binuksan noong Huwebes, Hulyo 10, ang Ika-8 Ortigas Art Festival sa GH Mall sa Greenhills. Ang festival ay may temang “Art for All: A Celebration of Borderless Artistic Expression” at tatagal mula Hulyo 10 hanggang 24, 2025. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginaganap ang festival sa GH Mall, kung saan ginawang bukas at buhay na gallery ang iba’t ibang bahagi ng mall—kabilang ang East Wing Atrium, South Wing Atrium, 4F Tech Hub, at Promenade Cinema. Layon nitong ilapit ang sining sa mas nakararami, at sirain...

Read More

Industriya ng Sapatos, Patuloy na Haligi ng Kabuhayan sa Marikina — Rep. Teodoro

Ilan sa 381 pares ng sapatos ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na donasyon mula sa Malacañang at naka-display ngayon sa Shoe Museum ng Marikina. MARIKINA CITY — Iginiit ni Marikina First District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro ang kahalagahan ng industriya ng sapatos sa lokal na ekonomiya, kung saan tinatayang 6,000 hanggang 7,000 residente ang umaasa rito bilang pangunahing kabuhayan. Ito ay kanyang sinabi sa kanyang pagbisita, kasama ang ilang mamamahayag, sa Marikina Shoe Museum noong Hulyo 9, kung saan tampok ang koleksyon ng 381 pares ng sapatos ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na donasyon mula sa...

Read More

Ika-19 Taon ng Debosyon sa Our Lady of Caysasay–Marikina, Ipinagdiwang sa St. Joseph Shrine

Daan-daang deboto ang dumalo sa ika-19 na anibersaryo ng debosyon sa Our Lady of Caysasay–Marikina Chapter noong Hulyo 5, na ginanap sa St. Joseph Shrine sa ilalim ng Diyosesis ng Cubao. Pinamunuan ang banal na misa nina Obispo Emeritus Teodoro Bacani Jr. ng Novaliches at Obispo Emeritus Deogracias Iñiguez ng Kalookan, kasama ang buong kaparian ng Cubao. Nakiisa sa pagdiriwang ang mga samahan ng simbahan ng St. Joseph Shrine, gayundin ang mga deboto mula sa Marikina, Pasig, San Juan, at iba pang kalapit na lungsod. Sa kanyang homiliya, ibinahagi ni Obispo Bacani ang kasaysayan ng Mahal na Birhen ng...

Read More

Panukala ni Cong. Marcy Teodoro: High-Tech na Pampublikong Paaralan para sa Makabagong Edukasyon

Isinusulong ni Marikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro ang paggamit ng teknolohiya sa mga pampublikong paaralan upang matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may kakayahang makasabay sa digital na panahon. Sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain niya sa Kongreso, layunin ni Teodoro na gawing mas moderno, mas accessible, at mas inklusibo ang edukasyon para sa lahat. Noong Hulyo 2, inihain ni Teodoro ang House Bill No. 1255 na naglalayong magtatag ng Public Schools of the Future in Technology (PSOFT). Layunin ng panukalang ito na tugunan ang kakulangan sa access sa digital tools tulad ng laptops, internet,...

Read More

Panawagan ng Kababaihan: Gabriela Iproklama, Duterte Youth I-diskwalipika

QUEZON CITY — Nanawagan ang mga grupo ng kababaihan nitong Hulyo 1 sa Commission on Elections (Comelec) na iproklama na ang Gabriela Partylist at i-diskwalipika ang Duterte Youth Partylist. Sa isang press conference sa Kamuning Bakery Café na pinangunahan ni Clarice Palce ng BABAE Para sa InangBayan (BIBA), lumahok ang Gabriela Women’s Party at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan upang talakayin ang kakulangan sa representasyon ng kababaihan sa 20th Congress. Giit ni Palce, hindi dapat mawala ang boses ng kababaihan sa Kongreso. Dapat na raw i-disqualify ang Duterte Youth at agad iproklama ang Gabriela Partylist. Ipinamalas ng feminist artist na...

Read More

Kamanggagawa Partylist Nanguna sa Paghahain ng Mga Panukalang Panggawa sa Unang Araw ng Kongreso

QUEZON CITY — Sa unang araw ng 20th Congress, agad naghain ng sampung panukala ang Kamanggagawa Partylist na pinangungunahan ng labor leader at unang beses na kongresista na si Rep. Eli San Fernando. Layunin ng mga ito ang itaguyod ang katarungan sa sahod, karapatang-paggawa, at disenteng trabaho para sa lahat ng manggagawang Pilipino. Ayon kay Rep. Eli, “Hindi lang ito mga papel. Ito ang bunga ng matagal nang pakikibaka ng mga manggagawa para mapakinggan at maprotektahan. Mula kalsada, ngayon ay dinadala na natin ang laban sa loob ng Kongreso.” Pangunahing panukala ng Kamanggagawa ang National Minimum Wage Act na...

Read More

Bagong Pamunuan ng Mandaluyong, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin

MANDALUYONG CITY — Noong Lunes, Hunyo 30, 2025, idinaos ang pormal na seremonya ng panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Lungsod ng Mandaluyong sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) sa Barangay Addition Hills, bilang opisyal na pagsisimula ng kanilang panunungkulan sa lungsod. Pinangunahan ni outgoing Mayor Benjamin “Ben” Abalos ang seremonya bilang inducting officer. Dinaluhan ito ng mga kaanak at pamilya ng mga opisyal, mga empleyado at opisyal ng pamahalaang lungsod, at ilang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay ng Mandaluyong. Ang programa ay nagsimula dakong alas-8 ng umaga, na sinundan ng...

Read More

Interim Release ni Duterte, Tinutulan ni Atty. Conti at ng ICC Prosecution

SAN JUAN CITY — Nilinaw ni Atty. Cristina Conti ng International Criminal Court (ICC) na hindi pa tumatanggi ang Belgium bilang third country host kung sakaling payagan ang pansamantalang pagpapalaya (interim release) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs na umano’y ikinasawi ng mahigit 6,000 inosente. Tinutulan ni Atty. Conti at ng ICC Prosecution ang hiling na interim release dahil sa banta ng pagtakas, batay sa naunang arrest warrant na inilabas noong Marso 7, 2025, at ipinatupad sa Pilipinas noong Marso 11. Sa isang media forum, sinabi...

Read More

KatHABI Fashion Show, Tampok ang Hybrid na Abaca, Bilang Pagdiriwang ng 50 Taon ng IPB

MANILA HOTEL — Ipinagdiwang ng Department of Science and Technology–Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) nitong Huwebes, Hunyo 26, ang Ika-50 Anibersaryo ng Institute of Plant Breeding (IPB) ng College of Agriculture and Food Science (CAFS), University of the Philippines Los Baños (UPLB). Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang KatHABI: Fashion Innovation Show x IPB Abaca Hybrid, na inorganisa sa pagtutulungan ng IPB-UPLB, Department of Science and Technology–Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), at DOST-PTRI. Naging panauhing pandangal sa okasyon si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos. Dumalo rin sa event sina National Scientist Dr....

Read More