Author: Raffy Rico

COMELEC Kinilala ang Pagkapanalo ng Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina

MARIKINA CITY — Nagpahayag si Congressman-elect Marcy Teodoro nitong Huwebes, Hunyo 26, na  kasunod ng desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc na nagbigay-daan sa kanyang proklamasyon. Kinikilala na ng COMELEC En Banc ang pagiging lehitimo ng kanyang kandidatura bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina matapos aprubahan ang mga inihain niyang Consolidated Motions for Reconsideration. Ayon sa desisyon, walang nakitang anumang mali o mapanlinlang na impormasyon sa kanyang Certificate of Candidacy (COC). Pinatunayan din ng COMELEC na hindi niya iniwan ang kanyang tahanan o “domicile” sa Unang Distrito at napatunayan ang kanyang aktuwal at pisikal na paninirahan...

Read More

PAPI, May Bagong Hanay ng mga Opisyal para sa 2025–2028

MAYNILA, PILIPINAS — Nagsagawa ng eleksiyon ang Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), isa sa mga pinakamatatanda at pinakamalalaking media organization sa bansa, upang italaga ang bagong hanay ng mga opisyal para sa termino ng 2025 hanggang 2028. Ginanap ang halalan noong Hunyo 24, 2025, sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Bagong Halal na Opisyal ng PAPI: Pangulo: Rebecca M. Velasquez (dating Executive VP), Pulso ng Makabagong Caviteño Executive Vice President: Ian Junio, Hyperland News Publishing Bise Presidente para sa Luzon: Alma Omilig Ochotorena (muling nahalal), News Syndicate Digest Bise Presidente para sa Visayas: Danilo N. Silvestrece,...

Read More

MMDA, Angkas Nagpulong; Pilot Lane sa Commonwealth Inanunsyo

Hunyo 20, 2025 | Maynila, Pilipinas — Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Angkas ang isang mahalagang dayalogo kasama ang mga motorcycle riders at iba’t ibang grupo mula sa sektor ng motorsiklo upang talakayin ang mga isyung may kaugnayan sa transportasyon. Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod: Paglalaan ng motorcycle lanes Pagsasama ng motorcycle at bike lanes Implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) Ang pagpupulong, na inorganisa ng Angkas, ay dinaluhan ng motorcycle taxi platforms, delivery riders, mga safety advocates, malalaking motorcycle clubs, at motorcycle rights organizations. Isa ito sa pinaka-inclusive na pagtitipon ng riding community....

Read More

Estudyante May 50% Diskuwento sa LRT at MRT Simula Hunyo 20

MAYNILA — Simula ngayong Biyernes, Hunyo 20, kalahati na lamang ang pamasahe ng lahat ng estudyante—mula elementarya hanggang postgraduate—sa mga linya ng tren na LRT-1, LRT-2 at MRT-3. Inanunsyo ito ni Kalihim ng Transportasyon Vince Dizon sa isang panayam sa istasyon ng LRT sa Masinag, Antipolo. Ayon kay Dizon, ito ay bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay ng tulong sa mga mag-aaral ngayong pasukan. “Malaking ginhawa ito para sa mga estudyante at magulang,” ani Dizon. “Handa ang pamahalaan na akuin ang gastusin para mapagaan ang buhay ng kabataan.” Bakit sa LRT-1, LRT-2 at...

Read More

Panawagan ng “Kongreso ng Bayan”: House Speaker Romualdez, Magbitiw na!

QUEZON CITY — Nanawagan ang multi-sectoral coalition na Kongreso ng Bayan ngayong Huwebes, Hunyo 19, na magbitiw sa puwesto si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, dahil umano sa kakulangan ng pamumuno, katiwalian, at kawalang-aksiyon sa mga isyu ng bayan, lalo na sa kapakanan ng mga OFW sa gitna ng tensyon sa Middle East. Ang Kongreso ng Bayan ay binubuo ng mga kinatawan mula sa relihiyoso, katutubo, Muslim, abogado, negosyante, transport groups, OFWs, dating opisyal ng militar, at iba pang sektor. Nauna na rin nilang binawi ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa press conference sa isang Restaurant sa...

Read More

Wattah Wattah Festival ng San Juan, Mas Organisado at Ligtas Ngayong Taon

LUNGSOD NG SAN JUAN — Tiniyak ni Mayor Francis Zamora ang mas mahigpit na seguridad at kaayusan sa pagdiriwang ng taunang Wattah Wattah Festival ngayong taon, kasunod ng mga insidenteng nangyari noong nakaraang taon. Ayon sa alkalde, mahigit 300 pulis mula sa San Juan Police ang itatalaga sa buong lungsod, lalo na sa loob at labas ng “basaan zone”. Nakipag-ugnayan na rin umano siya kay Eastern Police District Director Gen. Lagradante para sa posibleng augmentation ng mga pulis mula sa EPD. “Makakaasa kayo na maraming kapulisan sa paligid. Bukod pa rito, makikipagpulong din ako kay PNP Chief Gen. Nicolas...

Read More

MMDA at PNP, Inilunsad ang “May Huli Ka” Web App para sa mga Traffic Violation

PASIG CITY — Inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), ang “May Huli Ka” web application nitong Lunes, Hunyo 16, 2025 sa punong tanggapan ng MMDA. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, layunin ng app na ito na bigyang-daan ang mga motorista na malaman kung sila ay may naitalang traffic violation sa pamamagitan ng CCTV, sa ilalim ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP). Paliwanag ni Artes, ginawa ang website bilang tugon sa panawagan ng publiko na gawing mas malinaw at tapat ang pagpapatupad ng batas trapiko sa Metro Manila. Maa-access ang website...

Read More

DOST-PAGASA, Nagsagawa ng mga Aktibidad para sa Typhoon and Flood Awareness Week

Bilang paggunita sa Typhoon and Flood Awareness Week (TFAW), nagsagawa ang Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ng iba’t ibang aktibidad upang mapalakas ang kaalaman ng publiko tungkol sa kahandaan sa sakuna. Ang tema ngayong taon ay “Kahandaan sa Bagyo at Baha, Solusyon sa Ligtas na Bayan.” Ipinagdiriwang ang TFAW tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1535 (Series of 2008), upang mapataas ang kamalayan at mapalaganap ang paghahanda laban sa mga sakuna dulot ng bagyo at baha.PANAHON platform Bilang panimula ng selebrasyon, muling inilunsad ng PAGASA ang pinahusay...

Read More

Zamora: Walang nilabag ang Kamara sa proseso ng impeachment

Nilinaw ni San Juan Rep. Bel Zamora na hindi nilalabag ng Kamara ang utos ng Senate impeachment court kaugnay ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte. Sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City, sinabi ni Zamora na bilang mga tagausig, tungkulin nilang sundin ang batas at ang impeachment court. “Hindi kami sumusuway. Ayon sa Konstitusyon, kapag naipasa na ang articles of impeachment, tungkulin ng Senado na magsimula ng paglilitis,” ani Zamora. Tinuligsa rin niya ang desisyon ng Senado na isauli ang articles of impeachment. Aniya, walang kapangyarihan ang Senado sa ilalim...

Read More

PCSO, Pinarangalan Muli para sa Maayos na Serbisyo Publiko

LUNGSOD NG MANDALUYONG — Muling pinatunayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dedikasyon nito sa mahusay na serbisyo publiko matapos nitong muling makuha ang ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) recertification noong Hunyo 9, 2025. Sakop ng pagkilalang ito ang mga pangunahing gawain ng ahensya tulad ng gaming operations (palaro), pagproseso ng claims ng panalo, at iba pang support services. Pormal na isinagawa ang pagbibigay ng sertipikasyon sa PCSO Main Office sa Mandaluyong. Ipinagkaloob ito ni Romeo Zamora, Managing Director ng DQS Certification Philippines Inc., at tinanggap naman nina PCSO Chairperson Judge (Ret.) Felix Reyes, General Manager Melquiades...

Read More