May kabuuang P20.9- milyong pisong mga traktora ang inilaan ng Department of Agrarian Reform o DAR para sa mga organisasyon ng mga magsasaka sa Central Mindanao.

Ayon kay DAR Regional Director Nasser Musali, kabilang sa mga ipamamahagi ay ang pitong Massey Ferguson four-wheel drive na traktora na mayroong 90-HP minimum rated power, 4 cylinder diesel engines at turbo charged intercooler.

Sinabi pa ni Director Musali na unang batch pa lamang umano ang mga ipamamahaging traktora at inihahanda na ang pangalawang batch para mapakinabangan na ng mga magsasaka roon.

Ang naturang mga kagamitan ay mula sa ARCCESS o Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services project ng DAR na layong matulungan at palakasin ang mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations o ARBOs sa buong bansa. (jnormt)