image

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHI), ay nagsagawa ng Policy Forum  on Gender Parity in Science & Technology (S&T) nitong nakaraang November 8, 2016 na ginanap sa isang Hotel sa Pasay City, na inorganisa ng Social Sciences Division  (SSD) ng NAST PHL.

Ito’y dinaluhan ng mga stakeholders mula sa science community – ang Department of Science and Technology (DOST), mga academe, public at private institution at media. Layunin ng nasabing forum na ma-review ang kasalukuyang estado ng gender parity in science and technology; maintindihan ang dahilan sa likod ng bumababang partisipasyon ng mga kababaihan sa S and T recognition ladder (na tinatawag na“ Leaky pipe”), at mapag-usapan ang strategy at incentives ng mga kababaihan.

Tinalakay ni National Scientist Lourdes J. Cruz, member, Mathematical and Physical Sciences Division (MPSD), NAST PHI, ang tungkol sa “ Association of Academies of Sciences in Asia- Sustainable Development in Asia (AASSA-SDA) at ang Report on women in Science and Technology i n Asia.

Ibinahagi naman ni Mr. Randolf S. Sasota, Science research specialist II, Science Education Institute (SEI) DOST ang hingil sa ‘Human  Resources in Science and Technology sa Filipinas na naka sentro sa Gender Disagregation.”

“ Undestanding the reasons behind the “leaky pipeline” ang ipinaliwanag ni Dr. Merlyne M. Paunlaqui, Director, Center for Strategic Planning and Policy Studies, College of Public Affairs  and Development (CPAF), University of the Philippines Los Baños (UPLB) Laguna.

Pagkaapos ng presentations nagsagawa ng discussion hingil dito, na kung saan kasama ang mga invited na eksperto pagdating sa larangan ng nasabing usapin na sina Dr. Aurora Javate De Dios , executive director, Women and Gender Institute, Miriam College at si Dr. Odine Maria De Guzman, director, Center for women’s  and Gender Studies, ng UP Diliman.

Ang nagbigay ng synthesis of dicussions ay si Dr. Jaine C. Reyes, associate professor, ng CPAF, UPLB at si Academician (acd.) Agnes C. Rola naman ang nagsilbing Moderator at Master of Ceremonies ng nasabing okasyon.