Kasabay sa pagdiriwang ng 1st Land Transportation Office Employees Union Family Day Fiesta Xmas Celebration, ang paglulungsad naman ng kauna-unahang LTO Fun Run na isinagawa nitong nakaraang Disyembre 11, 2016 na ginanap sa Quezon City Memorial Circle. Ang Run for Progress na inilungsad ay may temang: “ Takbo para Maibsan ang pagsisikip ng Trapiko.”
Pinangunahan ni LTOEU President Mercedita Gutierrez ang pangangasiwa sa nasabing event, katuwang ang mga kawani ng PNP, MMDA, HPG, DPOS, at LTO, para magsilbing Marshall at masiguro na ligtas ang mga kalahok sa ano mang kapahamakan habang tumatakbo ang mga ito.
Siniguro rin ng LTOEU President ang kaayusan ng daloy trapiko sa nasabing lugar kung kaya marami ring MMDA ang naka talaga. May naka standby at nakabuntot ding Ambulansiya sa mga tumatakbo para maagapan kaagad sakali mang may himatayin o maaksidente sa mga mananakbo.
Ayon kay Gutierrez, umabot sa 300 ang nakilahok mula sa LTO, 50 mula sa HPG, 50 mula naman sa NCR at 10 naman ang nagmula sa MMDA, hindi pa kasama rito ang nagmula sa ibat-ibang grupo at indibidwal na mga kalahok. Sinabi pa ni Gutierrez na ang Fun Run na ginanap ngayon dito sa Quezon City ay umpisa pa lamang, at ito umano ay maari pang masundan sa mga susunod na taon.
Dalawang Linggo, bago pa man sumapit ang takdang panahon ng isasagawang Fur Run, nakipag pulong ang LTOEU sa pangunguna ng President nito na si Mercedita Gutierrez sa PNP, DPOS at sa kawani ng Quezon City Hall para sa gaganaping Fun Run sa nasabing lugar, na kung saan nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro at suggestion, sa bandang huli nagkasundo at sinangayunan naman ang plano ng LTOEU sa kanilang ilinatag na agenda.
Sa pagtatapos ng nasabing Fun Run, nasungkit ni Melbert Samalpong ang 1st place sa 10k Run sa oras na 46:26:75, sinundan naman ito ni Rodel Guevara sa oras na 46:52:3 bilang 2nd Place at sa 3rd place naman ito ay nakuha ni Adones Oppos sa oras na 47:26:40.
Sa 5k Run si Bryan Basil Suico naman ang nakasungkit ng 1st place sa oras na 23:29;12, 2nd place naman si Raymund Dacena ang nakakuha nito sa oras na 23:30:04 at si SPO1 Victor Vallente ang nag-uwi ng 3rd place sa oras na 29:15:38. (Click picture below to enlarge)