image

Sa sobrang kalasingan, kalaboso ang isang security guard matapos na magwala at “ihostage” ang kanyang sarili sa loob ng kanilang barraks sa Centris Compound kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, matapos ang limang oras na negosasyon sumuko si Herminigildo Marsula Jr., ng palmera Northwind City, Phase 2B, Lot 16, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan.

Nauna rito, dakong 3:00am nang malasing matapos na makipag-inuman sa kapwa guwardiya si Marsula sa loob ng guard office, kinuha nito ang kanyang baril at lumabas saka tinutukan ng baril ang napadaang si Alegre Aquino.

Nagtatakbong palabas si Aquino at ipinaalam kay PO1 Alvin Estilles ng Centris Police Action Center.

Agad namang nirespondehan ni Estilles ang insidente. Pagdating kay Aquino, tinutukan niya ang paparating na pulis at si Aquino.

Pagkaraan, tumakbong papasok at nagkulong si Aquino sa security guard’s office.

Nang tumangging lumabas para sumuko si Aquino, tumawag na ng reinforcement si Aquino.

Sa kabila ng mga negosasyon kay Aquino, nagmatigas pa ring sumuko ito, kahit ginamit na ang kanyang misis, tatay, at bayaw.

Pero nang ipaalam na susunduin ang kanyang 12-anyos na anak na may sakit na hemophilia, sumuko na rin si Aquino dakong 8:10am dahil sa pagkumbinsi pa rin ng kanyang mga kaibigan at kaanak.

Si Aquino ay nakatakdang kasuhan ng alarm & scandal, grave threats, physical injuries at illegal possession of firearms.

image

image