image

Pinasinayaan nitong nakaraang June 23, 2017 ang pagbubukas ng Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts (MIHCA), ang pang limang (5) branch na matatagpuan sa Ground Floor, ng Pioneer Woodlands Tower 1 & 2 Pioneer St. Corner EDSA Barangay Barangka Ilaya , Mandaluyong City.

Ang pangunahing layunin ng Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts (MIHCA) ay mag conduct ng training para sa mga nagnanais na magkaroon ng marangal, desente, at propesyunal na trabaho sa larangan ng turismo, hospitality at Culinary Arts.

Ang unique at naiibang sistema ng pagtuturo sa MIHCA ay may 80% hands–on training at 20% classroom lectures. Ito ang pagsasanay na kailangan ng isang nag- aaply ng trabaho na nag-nanais na makapasok sa malalaking Barko na kagaya ng, Cruise Lines, five star hotels, restaurant, at resorts.

Ang nasabing paglulungsad  ay pinangunahan ni MIHCA Chairman Doris Magsaysay Ho, President and CEO A. Magsaysay, Inc. Naging pangunahing  bisita at tagapagsalita sa nabanggit na okasyon ang Mayor ng Mandaluyong City na si Honorable Carmelita Abalos, kasama si dating MMDA Chairman at Dating Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. Sa isinagawang programa, si Marlon Roño na Presidente at  CEO ng Magsaysay People Resources Corporation ang nagbigay ng paunang mensahe. Si Paolo Santino Guevara President ng Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts naman ang nag Acknowledge sa mga panauhin at nagpakilala sa pangunahing bisita  at tagapagsalita.

Una nang itinayo ng MIHCA ang kampus sa Maynila, Makati, Cebu, Jakarta, Indonesia, at ang panglima itong sa Mandaluyong. Ang MIHCA ay masasabing mayroong world-class na pasilidad, kasama na rito ang pagkakaroon ng modernong kitchens, bars, at fine dining restaurants.

Kilala na ang  MIHCA dito sa lokal maging sa international. Isa sa pioneer institution na itinalaga ng Technical Education and Skills Development Authority of the Philippines (TESDA) para mag conduct ng competency assesments para sa Barko, Catering Services NC Level l (Messman), Level ll ( Chief Cook) and Level lll (Chief Steward) na naa-ayon sa requirments ng MLC 2006.

Ayon kay Alvin Gonzalez, MIHCA, Sales and Marketing Manager, bago pa man ang paglulungsad ng MIHCA Mandaluyong Branch, meron na silang mga bagong  enrollees na may bilang na 80 estudyante:  20 sa Culinary Arts, 20 sa House Keeping at ang 40 na natitira ay para naman sa ibang training. Sinabi pa ni Gonzales na walang pinipiling edad ang pagkuha ng training bata man o matanda, at maaaring ka ring makakuha ng 20% discount kung ikaw ay Senior Citizen na.

Ayon pa kay Gonzales, na ang mga estudyante na kumuha ng training sa MIHCA ay maaari nilang irekomenda saan mang nais pasukan ng mga nagtapos ng training sa MIHCA. Madali umanong makakuha ng trabaho ang mga nagtapos dito dahil magkakaroon umano sila ng Certificate na accredited ng TESDA.

Libo-libo na rin umano ang bilang ng nakatapos ng training at nananagana na sa buhay. Simula pa ng magbukas ang training Center sa Maynila, Makati, Cebu, at Indonasia lalo pang marami ang mabibigyan ng magandang buhay ngayon, dahil sa pagbubukas ng bagong kampus dito sa Mandaluyong, ayon pa kay Gonzales. (Photo By: Jimmy Camba) (Click picture below to enlarge)

imageimage

imageimage

imageimage

imageimage

imageimage