image

FEBRUARY 1, 2018 – Kasabay sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year isinasagawa naman ng Media Force ang Post Christmas Party na taon-taon ay ipinagdiriwang din ng buong miyembo. Kadalasan ay ginaganap ito sa MRI Conference Hall ng Chinese General Hospital & Medical Center (CGHMC).

Ang Media Force ay isang organisadong grupo na kinabibilangan ng mga lehitimong mamamahayag sa bansa mula sa diyaryo, radyo, telebisyon at online, na  pinamumunuan ng Presidente nito na si Renato Atong Dilig, kilalang Beteranong mamamahayag na dekada ng naninilbihan bilang Broadcaster sa Armed Forces Radio (DWDD).

Si Renato Dilig ay mas kilala sa alyas na Ka “Atong Balatong”.  Si ka Atong na bukod sa pagiging Anchoman, ay naging publisher din ng tabloid magasin na pang lokal at internasyonal.  Sinasabing sanggang dikit ng namayapa ng beteranong actor na Fernando Poe Jr. (FPJ), naging kaibigang matalik din ng may-ari at Presidente ng CGHMC na si Dr. James Dy.

Bago pa man binuo ang Media Force, na kinabibilangan ng mga beteranong Media na sina Ka Atong Balatong, namayapa ng si Tata Bar Samson at ilan pa, katuwang na ng grupo  si Dr. Dy, na sinasabi nga ni ka Atong na Ninong at Tagapagtaguyod ng binuong Media Force.

Si Dr. James Dy na walang sawa ang pag tulong sa grupo, noon hanggang sa ngayon, hanggang sa darating pang mga panahon, ayon pa kay Ka Atong. 

Ang CGHMC, isang Ospital na mababang maningil ng bill kumpara sa ibang pribadong ospital sa bansa, ay may mga espesyalistang Doctor na Filipino at Chinese. May mga charity pa itong ginagawa, katulad ng Medical at Dental mission, Operation Tuli, namimigay ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng kalalamidad: sunog, pagbaha, lindol, at iba pa.

Magugunitang, nitong nakaraang taon buwan ng Nobyembre,  Intern ng CGHMC ang Doctor na sumagip sa buhay ng isang pasahero ng MRT matapos na mahilo at mahulog sa riles at magulungan ng tren ang isang braso. Ang Intern ng CGHMC ang nakakita sa biktima na pilit umaahon matapos mahulog at  masagasaan ng tren. Agad na humingi ng tulong ang intern para mabalutan ng may yelo ang naputol na braso ng biktima at maisugud agad sa ospital.

Kinilala ang Intern na sumagip sa buhay ng pasaherong naputulan ng braso na si Dr. Charleanne  Jardic at ang biktima ay si Angeline Fernando. Pagkatapos ng pangyayari, ginawaran ng parangal ng KABAYAN partylist ang nasabing intern.

Nitong nakalipas na kapaskuhan binigyan din ng CGHMC sa pangunguna ni Dr. James Dy ng parangal sa mismong Christmas Party ng ospital ng plaque at cash na pabuya bilang pagkilala sa ginawa nitong kabayanihan.

Sa ginanap na Post Media Force Christmas Party, pinag-usapan ang tungkol sa Federalismo, Train Law, Pag phaseout sa mga bulok na pampasaherong jeep at iba pa. Nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang ibang Media, kasama sa nagbigay ng magandang suhestiyon si Dr. Dy, isa sa tinuran nito na halos 10 years na umano niyang nabanggit, na dapat magkaroon ang Pilipinas ng SUBWAY para lumuwag ang kinakaharap na problema ng pinas pagdating sa trapiko, at ilan pa ang binigyan ng magandang suhestiyon at diin ni Dr. Dy sa ginanap na talakayan sa nasabing okasyon. (Photo by: Jimmy Camba)     

image

imageimage

image