IMG_20180208_210709

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkita-kita ang mga mag-aaral mula sa Oas Standard High School (OSHS) batch 80’s Oas, Albay (Bicol). Ito ay ginanap sa isang restaurant sa Quezon City. Layunin ng grupo na paigtingin ang kanilang samahan, mag kaisa at magsama-sama sa iisang layunin.

Magugunitang, makalipas ang halos 38 taon, nitong nakaraang Disyembre 30, 2017 sa unang pagkakataon nagkita-kita ang ilan sa nasabing batch sa bahay ng isang batchmate sa Cainta na kung saan siya na rin ang naging host sa nasabing pagtitipon.

Iilan lamang ang nakadalo sa unang pagtitipon na kinabibilangan nila: Nancy Rivera (host), Domingo Rearte at asawa na si Ellen, Margie Rebeta, Violeta Nolasco,  Norie Riva, Mercy Refe, Franco Rapadas, Dennis Rentoza, Joel Renales, at Raffy Rico.

Una nang napag-usapan ng unang grupo noon na buoin ang batch 80’s, alamin ang bawat contact ng lahat ng batchmate para mag kita kita at makapag-usap para sa future plan.

Nitong nakaraang huwebes, Pebrero 8, muling nagsama-sama ang batch 80’s matapos na aksidenteng magkita ang mag kaklase na sina Norie Riva at Rod Cayabyab sa Bicol, na kung saan nakuwento nito ang nangyaring unang reunion ng ilang batch.

Sa pagkikita ng dalawa, nag request si Rod kay Norie na nagbakasyon lang sa pinas mula sa Los Angeles California, na kung maari ay i-organisang muli ang batch para sa muling pagkikita-kita ng batch, kung kaya nagyari ang muling pagsasama-sama ng grupo.

Sa pagkakataong ito, na doble na halos ang  bilang ng grupo at inaasahang sa susunod na pagkikita-kita ay lolobo na ang dami nito, na hudyat para makapag-plano na sa mga susunod na hakbang ng batch 80’s para sa kapakanan ng grupo, ng mga bicolanos at ng bansang Pinas.

 

IMG_20180208_193300IMG_20180208_193017IMG_20180208_192832IMG_20180208_210709IMG_20180208_192810IMG_20180208_192802IMG_20180208_192706IMG_20180208_210717IMG_20180208_210637IMG_20180208_210632IMG_20180208_210622IMG_20180208_201042IMG_20180208_201005IMG_20180208_195157IMG_20180208_200929IMG_20180208_200954

IMG_20180208_201033