IMG_20180220_100927_thumb

Masayang kinakamayan ni Senator Cynthia Villar bilang Chairperson ng Senate Committee on Agriculture  ang mga estudyante, guro, magsasaka, at ibat-ibang grupo na sumalubong sa kanyang pagdating bilang pangunahing bisita at tagapagsalita sa ginanap na STAARRDEC FIESTA 2018 nitong nakaraang Feb. 20, sa Lucena City, Quezon.

 

SA UNANG ARAW – naging pangunahing bisita si Senator Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa ginanap na Farm and Industry Encounters through Science and Technology Agenda (FIESTA). Ito ay ginanap sa Quezon Capitol Compound, Lucena City, Quezon, nitong nakaraang  Huwebes (Feb. 20-22, 2018). Ang nasabing okasyon ay may temang “STAARRCoco at Piggy Winnie, Makikisaya sa FIESTA, dala ang mga produkto ng Agham at Teknolohiya”.

Pinangunahan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARRD-DOST), katuwang ang Southern Tagalog Agriculture, Aquatic and Resources, Research Development and Extension Consortium (STAARRDEC).

Sa mensahe ni Senator Villar, pinag-tuonan nito ng pansin ang tema ng nasabing okasyon, ang industriya ng niyog, na maraming pwedeng pagamitan at maaring pagkakitaan ng mga magsasaka. Mula sa sabaw nito na maaring gawing: buko juice, maaring gawing gamot kagaya ng virgin coconut oil na maraming sakit ang pwedeng malunasan, bunot na pwedeng gamitin na panlinis ng sahig at panlinis ng kawali, kaldero at marami pang iba, pati ang bao at dahon ng niyon ay napapakinabangan at pwede ring pagkakitaan ng bawat magniniyog.

Sinabi ni Villar, na kailangang ang mga backyard pig raiser, na mag-alaga ng native pig , dahil mas madali umanong magpalaki at hindi masyadong magastos ang native pig sa kakainin nito. Marami pang tinalakay ang senador na lubhang makakatulong para lumaki ang kita ng mga magsasaka.

Binaggit pa nito na magpapasa siya ng batas na mag po-promote sa ating Philippine native animals, para na rin sa kapakinabangan ng mga ito.

Ayon naman sa ex-opisyo ng STAARRDEC at kasalukuyang University Presidente ng CvSU, nagbigay na ng karagdangang pondo ang sinadora para na rin makatulong sa pagpapatayo ng Coconut Research Development Center sa Quezon. Ito ay para sa mga nagnanais na tumuklas ng iba’t ibang kaalaman sa pag aalaga ng hayop at pamamaraan sa pagtatanim ay matutunan ng mga magsasaka.

Sa unang araw, ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng ibat-ibang grupo at miyembro na kasapi ng STAARRDEC.

Si RRDCC Chairperson, STAARRDEC University President, SLSU Dr. Milo O. Placino ang nagbigay ng welcome remarks, kasunod ang openning remarks naman ni Ex-officio STAARRDEC University President, CvSU Dr.  Hernando D. Robles.

Si Hon. David C. Suarez, Governor Province of Quezon naman ay nagbigay ng mensahe at nagpakilala sa pangunahing bisita at tagapagsalita na si Chairperson, Senate Committee on Agriculture and Food Senator Cynthia Villar.

Nagbigay naman ng inspirational message si Deputy Executive Director for Research and Development, PCAARRD Edwin C. Villar sa kalagitnaan ng Media Conference at sumagot sa katanungan ng mga mamamahayag.

`IMG_20180220_100940_thumb

Si Dr. Edwin C. Villar, Deputy Executive Director for Research and Development, PCAARRD kasama si Sen. Cynthia Villar habang binibisita ang mga booth na naka desplay sa Quezon Capitol Compound sa Lucena City na pinagdausan ng STAARRDEC FIESTA.

 

IMG_20180221_100649_thumbIMG_20180221_095034_thumb

Si Ms. Sherill Quintana, President & Founder ng Oryspa Solutios, Inc. at Ms. Mary Grace Sia- Llamas CEO/ Founder,  The Soap Farm, sa huling araw (Feb. 22) ng pagdiriwang ng STAARRDEC FIESTA 2018, sa ginanap na Investment Forum and Marketing Clinic, habang dinidis-cuss sa harap ng mga estudyante ang tunkol sa Business, Franchising, Packaging, at Marketing.

 

IMG_20180222_143247_thumbIMG_20180221_092548_thumbIMG_20180222_141138_thumbIMG_20180221_100356_thumbIMG_20180220_105305_thumb