image

Masayang nagkamay sina DOST Secretary Fortunato de la Peña at DTI Secretary Ramon Lopez matapos ang isinagawang Turnover Ceremony ng DOST’s S&T nook at kiosk sa DTI, na ginanap sa 3M Philippines Office, Bonifacio Global City, Taguig City, nitong nakaraang April 5, 2018. Kasama sa larawan sina DOST Undersecretary Brenda Nazareth-Manzano (2nd from left), DTI Undersecretary Zenaida Maglaya (3rd from right), DOST Region 2 Director Sancho Mabborang (2nd from right), at 3M Philippines President and managing director Ariel Lacsamana (right).

 

Pormal ng nagsanib puwersa ang Department of Science and Technology (DOST) at ang Department of Trade and Industry (DTI) para palakasin at i-promote ang MSME’s sa bansa, na ginanap nitong nakaraang April 5, 2018 sa mismong tanggapan ng 3M Philippines, Inc., na matatagpuan sa Binifacio Global City, Taguig City.

Ang nasabing okasyon ay tinawag na “ Innovation Partners: DTI and DOST.” Ito ay dinaluhan nina: DOST Secretary Fortunato De la Peña,  DTI Secretary Ramon M. Lopez, DTI Regional Undersecretary Zenaida C. Maglaya, DOST Regional Usec. Brenda L. Nazareth- Manzano, kasama ang matataas na opisyal ng dalawang (2) nabanggit na ahensiya, at may mga banyaga rin na naging bisita sa nabaggit na pagdiriwang.

Sa isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ng DOST at DTI, ang layunin nito ay i-promote ang Science and Technology Products, para palakasin, tulungan, at bigyan ng pagkakataon ang kakayahan ng Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs).

Isa pa sa naging sentro ng nasabing okasyon ay ang Ceremonial turnover ng DOST S&T nook at kiosk na ilalagay sa loob ng DTI Negosyo Center. Ang nook at kiosk ay bukas sa publiko, at ito ay naglalaman ng ibat-ibang promotional materials, mga kaalaman, produkto  at serbisyo ng DOST. Isa na rito ang OneStore, ang website na ang produktong naka display at pwedeng mabili ay mula sa MSME’s.

Ayon kay DTI Secretary Lopez, na ang DOST ay gumawa ng kiosk para doon sa mga walang access sa internet, na magkaroon din ng pagkakataon na matuto at madiscubre ang  ibat-ibang S&T materials, kaalaman, produkto at serbisyo nito, dahil ang mga ito  ay nasa online na.

Sa nabanggit na okasyon, si DOST-STII Director Richard P. Burgos ang nag welcome at nagpakilala sa mga pangunahing tagapagsalita at mga bisita, at si Dr. Aristotle P Carandang naman ang nagsilbing Emcee.

Pagkatapos nang nabanggit na event, nagkaroon ng pagkakataon ang ibang Media (kasama ang inyong lingkod) na ikutin ang mismong display room ng 3M Philippines Inc. building, na kung saan halos namangha kami sa ganda at kaayusan ng  mga nakita naming produkto na naka display sa mga estante. Hindi kasi namin halos akalain na ang mga nakikita natin sa ibat-ibang department store, palengke, maging sa auto supply at hardware ay makikita namin doon, na halos nasa kanila na palang lahat ang mga gamit na kakailanganin natin sa kusina, kubeta, paggawa ng bahay, construction materials maging gamit sa kotse at iba pa.  Ayon sa may-ari ng 3M Philippines,  nagsimula lamang sila sa papel de lija, ngayon isa nang ganap at napakalaking kumpanya.

image

Image may contain: 2 people, people sitting, table and indoor