image

Makikita ang buong DAR personnel at ang Paranas farmer-beneficiaries na nagsasaya kasama si DAR Secretary John Castriciones at ang Vice Mayor Eunice Babalcon ng Bayan ng Paranas, pagkatapos na mapirmahan ang deed of donation.

Catbalogan, Samar – Magkakaroon na ng sariling matatawag na Provincial office at Municipal office ang Department of Agrarian Reform (DAR) matapos na mag donate ang 2 munisipalidad sa Probinsiya ng Samar ng lupa na may lawak na 700 square meters.

Bilang pasasalamat ng probinsiya ng Samar sa DAR, at para ipakita na nasiyahan sila sa tulong na ibinibigay ng DAR sa kanilang Local Government Units at ma-iangat ang buhay ng mga magsasakang benepisaryo sa nasabing lugar, binigyan ng Probinsiya ng Samar ng Lupang mapagtatayuan ng Provincial office at Municipal Office ang DAR para magamit bilang permanenteng opisina.

Ayon kay DAR Region 8 Director Sheila Enciso, ang Paranas town ay nag donate ng 300-square-meter na lupa para sa Municipal office, Samantalang ang Bayan ng Catbalogan naman ay nagbigay din ng 400-square-meter para pagtayuan ng Provincial Office.

“These towns have allocated lands to be used by the DAR as offices because they have seen the department  renting office spaces,” Enciso said.

Ayon pa kay Enciso, gumagastos ang DAR ng P250,000.00 at P140,000.00 para sa buwanang upa ng Provincial office at municipal offices.

“Now, we can begin to make plans and provide the necessary financial requirements to put up the DAR’s new offices, which would eventually yield savings to the department,” she added.

Sinabi naman ni Paranas Mayor Mayor Eunice Babalcon, na ang lalawigan ng Samar ay lubos na nasisiyahan sa mga itinutulong ng DAR para makaangat ang mga magsasaka sa kanilang buhay at kabuhayan.

“We are one with the DAR in helping the people. We assure you that you can count on us in helping you succeed in all your endeavors,” Ayon pa kay Babalcon.

image

Nasa larawan ang paglagda ni DAR Secretary John R. Castriciones sa isang deed of donation na nagpapakita na ang lupa ay idi-nonate ni Paranas Mayor Eunice Babalcon parehong nakaupo. Naging saksi naman sa nasabing kasunduan sina: DAR Region 8 Director Shiela Enciso nakatayo sa kanan at ni Paranas Vice Mayor Yolanda Tan na nasa kaliwang bahagi naman.