image

Madugong bakbakan ang nangyari kagabi sa pagitan ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters partikular sina Kevin Murphy, ang import ng San Miguel at Calvin Abueva ng Phoenix.

Hineadlock ni Murphy si Abueva sa mga huling yugto ng fourth quarter na naging sanhi ng pagka antala ng laro ng ilang minuto dahil sa paglapitan ng mga players at opisyales upang pigilan ang matinding komosyon.

Tinawagan ng Flagrant Foul ang import ng San Miguel na si Kein Murphy sa kanyang pananakal kay Abueva samantalang may technical foul namang ibinigay sa pagpasok sa playing court sina Coach Louie Alas, Team Manager Paolo Bugia at player Doug Kramer ng Phoenix.

Nagtapos sa iskor na 117 – 100 pabor sa San Miguel Beer.  Umangat sa kartadang 3 panalo at 4 na taloang San Miguel Beer samantalang may 6 panalo at 3 talo ang Phoenix.

Standing:

1. BarangayGinebra San Miguel     –    7 – 1

2. Magnolia Hotshots                    –    6 – 1

3. Alaska                                    –    5 – 1

4. Blackwater Elite                      –    6 – 2

5. Phoenix Fuel Masters              –    6 – 3

6. NLEX Road Warriors                –    4 – 4

7. TNT Katropa                            –    4 – 4

8. San Miguel Beermen                –    3 – 4

9. North Port Batang Pier              –    2 – 6

10. Meralco Bolts                        –    1 – 6

11. Rain or Shine Elastopainters   –    0 – 4

12. Columbian Dyip                     –    0 – 8

Magpapatuloy ng paglalaro ang unang walong teams samantalang ang huling apat, pang siyam hanggang pang labing dalawa ay mai eliminate. (MAX A. FERRER)

image

Download all attachments as a zip file