IMG_20181015_200440

Sa Ginanap na Press Conference kagabi, Oct. 15, sa The Fil-Oil Flying V Centre o mas kilala bilang The Arena, Vice Mayor Janella Estrada,  inendorso ni San Juan Mayor Guia Gomez para tumakbong Mayor ng lungsod. Ayon kay Mayor Gomez, si Janella ang may kakayahan na maging kahalili niya sa kanyang iiwanang puwesto bilang Mayor ng San Juan, dahil umano sa kasipagan at kakayahan nito. Ayon pa dito, sa kanyang pagbabalik bilang ordinaryong mamamayan, pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang pag aalaga sa kanyang mga apo, at itutuloy pa rin niya ang pagsisilbi sa mga mahihirap na mga taga San Juaneños sa pamamagitan ng binuo niyang NGOs at iba pang grupo.

Ayon naman kay Janella, sakaling siya ang palaring mai-upo sa puwesto bilang Mayor ng San Juan, magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga. Itutuloy din umano niya ang mga naiwang magagandang proyekto na nasimulan na ng dating administrasyong Gomez.

Nanawagan din si Janella  sa San Juaneño: “Sa lahat po ng aking mga kababayan sa San Juan, sana po ay muli po ninyong akong pagkatiwalaan at suportahan sa akin pong kakaharapin na bagong hamon sa 2019. Lagi ko pong sinasabi na hindi po ito ambisyon kundi po misyon ng aking pagpasok po sa larangan ng pulitika. Kaya po sana ay muli po pagkatiwalaan ninyo ako.” ayon pa dito.

Dumating din sa nasabing pagtitipon ang ama nitong si  Senador Jinggoy Estrada, na ayon sa mga naririnig nating usap-usapan , na napakalaki ng chansa na muling manalo sa pagka senador sa darating na halalan. Na ayon naman sa Senador, na kung siya ay palaring muli na makabalik sa senado, ang kanyang pag uukulan ng pansin ay ang mga OFW’S na isa sa napakalaki ang naipapasok na pera sa bansa. Inendorso rin nito ang kanyang anak na si Vice Mayor Janella Estrada na maging Mayor ng Lungsod ng San Juan. “As Vice Mayor there’s a lot of accomplishments kung ihahalintulad ko yong kanyang performance as Vice Mayor. She’s a Vice Mayor right now, malayong-malayo ako sa kanya. Noong Vice Mayor ako ng San juan halos wala ako nagawa. Ito si Janella, Vice Mayor pa lang marami nang nagagawa.” pahayag ni dating Senador Jinggoy Estrada, na nagbiro pa, na siya umano ay naging Mayor ng San Juan sa edad na 29 anyos at tinanong si Janella kung ilang taon na, sagot naman nito na 28, kung kaya nagtawanan maging ang mga Media.

 

IMG_20181015_200348IMG_20181015_200345IMG_20181015_192649

imageIMG_20181015_194856IMG_20181015_194908