Pormal ng binuksan sa publiko ang Museo El Deposito na matatagpuan sa Pinaglabanan Memorial Shrine, Pinaglabanan St. Corazon de Jesus, San Juan City nitong nakaraang Pebrero 18, taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Mayor Guia Gomez ang paglulungsad ng nasabing Museo, kasama si Vice Mayor Janella Estrada, mga konsehal, Barangay Chairman, kagawad ng barangay at ang karamihang ng staff sa San Juan City Hall.
Naging panauhin sa nasabing pagtitipon sina: Dr. Rene R. Escalante Chairman, ng National Historical Commission of the Philippines, na siyang nagbigay ng Welcome Remarks, Assistant Secretary Eduardo Ramos ng Department of Works and Highways na siyang nagbigay ng mensahe, at si Director Ludovico D.Badoy, Acting Executive Director ng National Historical Commission of the Philippines na siya namang nagbigay ng Huling Mensahe.
Magugunitang ang El Deposito ay isang matagal at matanda ng imbakan ng tubig o Underground water reservoir sa San Juan del Monte, na ngayon ay isa ng siyudad sa Metro Manila Philippines. Ang El Deposito ay itinayo sa pamumuno ng Kastila taong 1880. Mayroon itong capasidad na 15 milyon na gallon ng tubig na kayang magsupply ng inuming tubig sa buong Maynila at karatig na lugar.
Ang lugar na kinalalagyan ng nasabing El Deposito ay naging makasaysayan, matapos sumiklab ang Philippine Revolution o battle of San Juan del Monte taong 1896.
Buwan ng Agosto trenta (30) taong 1972, nilagyan ng marker ng National Historical Commission of the Philippines ang nabangit na lugar bilang pagkilala sa old reservoir o pinagkukunan ng tubig sa nakalipas na panahon.
Ang lugar na malapit sa kinatatayuan ng El Deposito ay ginawang recreational park na pinangalanang Pinaglabanan Shrine and Park.
Pagkatapos ng huling mensahe ni Dir. Gadoy isinagawa ang Ribbon Cutting, pagkatapos nito ang pagbubukas ng Museo El Deposito sa publiko, na kung saan makikita sa loob ng Museo ang makasaysayang storya ng El Deposito sa nakalipas na mahabang panahon.