Ni Precy Faustino-Lazaro

image

BINISITA at sinuri nila Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang Estero de San Antonio Abad sa Barangay 718 sa Malate na pinamahayan ng pitumpu at isang informal settlers families o ISFs .

Ayon kay Cimatu, ang 50 ISF’s ay nailipat na sa Tala, Caloocan City nuong Hunyo 25, 2019 at ang natitirang 21 ISF’s ay kailangang ilikas na para sa kanilang kaligtasan.

Isa sa prayoridad ng DENR na linisin ang mga estero dahil ang mga dumi dito ay direktang dumadaloy patungong Manila Bay. Naging maayos na daw ang sitwasyon sa nasabing estero dahil nagtataglay ito ng 1.3 bilyon coliform nuong hindi pa nalilinis at sa kasalukuyan ay nasa 10 milyon na lamang, dagdag pa ng kalihim.

Nitong nakaraang Hulyo 13, 2019, sa ginawang inspeksyon nila Mayor Moreno at Sec.Cimatu ay nakitang dumadaloy na rin ang tubig sa estero, maganda, malinis na at wala ng mga basura. Tanging ang sa ibabaw nalang ng natitirang 21 pamilya ang susunod namang aasikasuhin pagkatapos ma relocate sila sa Tala.

Natuwa naman si Moreno sa ginawang relokasyon ng DENR kabalikat ang National Housing Authority (NHA) sa mga ISF’s dahil sa Caloocan sila inilipat na sakop pa din ng Metro Manila. Inaalala niya kasi ang kapakanan ng mga inilipat na sana daw ay hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng mga pamilya at ang pag-aaral ng mga anak nila.

Samantalang sa mga lumagpas sa sukat na tatlong metro sa water ways ng mga condominium at establisimiento sa sandaling matanggap ang cease and desist order ng DENR para dito, ay kanya itong ipapatupad.

Laking pasasalamat ni Mayor Isko sa DENR dahil sa malasakit at pang- unawa sa pagbibigay pansin sa problema ng estero at mga kapaligiran ng Maynila.

Sa naganap na relocation at demolition operations ay nagsanib puwersa ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng DILG, LGU-MANILA, LIAC, PCUP, MMDA, DPWH, Manila Health District Office at HUDCC.

imageimageimage