Nakatakdang pumasada na ngayong araw Jan.7, ang 27 units ng modernong Jeep sa Mandaluyong City, sakaling mapag-ayos na ngayong araw ni Mayor Carmelita Abalos ang ilang grupo ng local ng pamahalaang lungsod na nangangasiwa sa trapiko ng Mandaluyong at ang grupo ng Transport organizations na pinangungunahan ng Mandaluyong of Transport Service Cooperative. Ang nasabing modernong Jeepney ay may kabuuang bilang na 30 units subalit inaayos pa umano ang natitirang 3 units bago ito mai-biyahe ng lahat.
Labis-labis ang pasasalamat ni Mandaluyong of Transport Service Cooperative (MTSC) Chairman Artemio Binlouan Jr. kay Mayor Menchie Abalos, matapos na payagan nito na makabiyahe na ngayong araw ang modernong Jeep na kanila umanong inutang pa sa banko ang pera para matugunan ang modernization na nais ipatupad ng gobyerno.
Napagkasunduan kahapon na matapos magkaroon ng dialogue ang ilang panig sa pagitan ng LTFRB, OTC at ng ilang Transport group ngayong araw ay maari ng bumiyahe ang modernong Jeep na Stop N Shop route at Boni MRT, subalit kailangan muna nilang maayos pa rin sa City Hall ngayong araw bago tuluyang maka biyahe na.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos na namagitan sa nasabing usapin, “Kaya pinatitigil ko talaga yong pagtakbo, pagpapalabas kasi sabi ko na walang terminal … inayos muna natin bago natin inimplement ‘yang modernization na iyan. Ako I don’t mind, pabor ako sa modernization walang problema dyan. Basta ayoko ng nag-aaway yong dalawang grupo o tatlong grupo.” pahayag ni Mayor Menchie Abalos sa ginanap na dialogue kahapon sa pagitan ng LTFRB, OTC at mga Transport organizations.