Ayon sa datos, humigit kumulang 715, 232 sako ng binhi ang naibahagi na sa mga magsasaka mula huling linggo ng Oktubre hanggang Disyembre 22. Tinatayang nasa 357, 616 ektarya na ang maaaring mataniman ng certified inbred seeds mula sa RCEF-Seed Program.

Tuluy-tuloy pa rin ang pamimigay ng dekalidad na inbred seeds mula Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para sa mataas na ANI at KITA .

Narito ang iskedyul ng pamamahagi sa Central Luzon mula Enero 7 hanggang Enero 11 2020.

Araw ng pamamahagi

Bayan at Probinsya

Enero 7

Malolos City, Bulacan

Enero 7

San Simon, Pampanga

Enero 7-10

Candaba, Pampanga

Enero 8

Bulakan, Bulacan

Enero 8

Guimba Nueva Ecija

Enero 8

Bamban, Tarlac

Enero 8

San Fernando City, Pampanga

Enero 8-9

Gapan, Nueva Ecija

Enero 9

Bustos, Bulacan

Enero 9

Casiguran, Aurora

Enero 10

Dilasag, Aurora

Enero 11

Dinalungan, Aurora

Samantala, Enero 8 naman sa Infanta at sa susunod na araw sa Lucban, Quezon.

Enero 7 naman ang pamamahagi sa mga bayan ng: San Rafael, Iloilo, Pontavedra, Capiz, Dao, Capiz, Maayon, Capiz, Valderama at Antique.

Sa susunod na araw naman, Enero 8 ang pamamahagi sa Tanjay, Negros Oriental. Makatatanggap ng binhi ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA. Pakidala ang iyong RSBSA stub at isang valid ID sa araw ng pamimigay ng binhi.

Ang dami ng binhing matatanggap ay ayon sa sukat ng lupa. Isang sako o 20 kg na binhi ang matatanggap kada kalahating ektarya ngunit hindi lalagpas sa apat na sako para sa bawat magsasaka.

Ayon sa mga pag-aaral, sapat na ang 40kg na binhi kada ektarya sa bilang na 2-3 punla bawat tundos na may 20cm x 20 cm na agwat sa dry season.

Sa pangunguna ng DA-PhilRice, katuwang ang DA regional field offices at mga lokal na pamahalaan, ang RCEF-Seed Program ay naglalayung mapataas ang ani gamit ang dekalidad na binhi.

Kabilang sa ipinamahagi ang tatlong (3) national recommended varieties tulad ng NSIC Rc 222, 160, at 216; may 2 regional recommend varieties din na akma sa rehiyon na napatunayang maani at matibay sa sakit at peste.

Makapipili ang mga magsasaka sa mga varieties na ito depende sa available na supply sa araw ng bigayan.

Paunawa lang na ang schedule ng distribution ay maaaring mabago depende sa availability ng binhi at lugar na pagdadausan. Magtanong lamang sa inyong MAO.