National Press Club (NPC) Media Forum (meet the press) at the Philippine Red Cross’ National Headquarters in Mandaluyong City. With Chairman and Sen. Richard Gordon, National Press Club (NPC) President Rolly “Lakay” Gonzalo and other NPC officers, PaMaMariSan-Rizal Press Corps officers and other media output.
Magbibigay tulong ang Philippine Red Cross sa gobyerno ng Australia ng halagang $100,000 para sa mga naapektuhan ng bushfires sa nasabing bansa.
Sa isinagawang Media Forum na inorganisa ng National Press Club (NPC) na ginanap sa PRC national headquarters sa Mandaluyong City, sinabi ni Chairman and Senator Richard Gordon na magbibigay ang Red Cross ng halagang $100,000 Australia para makatulong sa mga nasunugan doon.
Sinabi pa nito na madalas silang tumulong satin, marunong din naman tayong tumulong at tumanaw ng utang na loob, hindi nga lang ganon kalaki ang tulong na maibibigay natin sa kanila pero at least meron tayong kusang loob, at hindi tayo palaasa,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa senador, ang tulong na ibibigay sa Australia ay ibibigay sa susunod na linggo. “Mga Monday siguro, kailangang malaman at magpadala ng representative ang Australian Embassy dito sa tanggapan para tanggapin ang ibibigay na donasyon ng Philippine Red Cross.”
P1 Milyon tseke ang tinanggap ni Chairman and Sen Richard Gordon mula sa RHOM, isang Kompanya ng Hapon na Nakabase sa Pilipinas, ito ay donasyon ng kumpanya para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Tunay na malasakit ni National Red Cross Chairman and Senator Richard Gordon sa Media. Masayang tinanggap ng grupo ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ng Presidente nito na si Rolando “Lakay” Gonzalo ang Card Holder na katunayan na ang bawa’t media na miyembro ng NPC na may hawak ng card ay nakasiguro at lehitimong miyembro ng Philippine Red Cross at entitled sa benefit na Accidental Death, Disablement, Dismenberment, sa halagang Php300,000.00; Unprovoked Murder and assault, tatanggap din ng Php 300,000.00; Accidental Medical Reimbursement Php 10,000.00; Burial Benefits (as Result of accident) Php 5,000.00; Daily Hospital Allowance (max. of 60 days) Php 200.00 per day.
Masayang nagpakuha ng larawan ang grupo ng PaMaMariSan – Rizal Press Corps matapos na tanggapin ang sobre mula naman sa grupo ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ni NPC President Rolando “Lakay” Gonzalo bilang pamaskong handog sa nasabing grupo. “huli man daw at magaling naihahabol pa rin.” Salamuch NPC Pres. Rolando “Lakay” Gonzalo at sa mga kasamang opisyal! Mabuhay kau.