Magsasagawa ang Taytay Rizal ng kanilang ika — 45th year Hamaka Festival 2020 na kung saan ito ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat. Sa nasabing  aktibidad matutunghayan ang talento ng mga Taytayeños pagdating sa  wood  carving (works), sewing machines and garment/couturier’s design. Sa Hamaka Festival tampok dito ang mga sikat na produkto ng Taytay tulad ng wood works, pananahi at disenyong pangkasuutan.

Sa isinagawang Press Conference kahapon Feb. 5, 2020, sinabi ni Vice Mayor Mitch Bermundo  na noong taong 1998 ang Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpasa ng isang resolusyon na ang Taytay ay magiging Garments Capital ng buong Rizal; at ngayong taong 2020 ang Sangguniang Bayan ng Rizal ay muling nagpasa at humihing sa Malacañang na sana ang Taytay ay maideklara ng Garment Capital naman sa buong Pilipinas.

Ayon pa sa Vice Mayor, isang bayan na lang umano ang humahadlang, at ito ay ang Bulacan, dahil ang Bulacan ay may interes din umano na maging Garment Capital din ng Pilipinas. Subalit nag reply na umano ang Malacañang na kung saan hinihingi na lang sa kanila ang sapat na requirements para tuluyan ng maging Garments Capital ng bansa ang Taytay.

Tiniyak naman ni Taytay Mayor Joric Gacula na hindi nila itutuloy ang pagdiriwang ng taunang Hamaka Festival sa kanilang bayan sakaling may malaking banta ng 2019-nCoV bago pa man sumapit ang pagdiriwang. “Mas mahalaga ang buhay ng mga Taytayeños kesa magbakasakali”,  bagama’t sinabi nito na maraming bayan na sa bansa ang may kahalintulad na selebrasyon ngunit itinuloy pa rin nila ito, “maliban sa Panagbenga Festival ng Baguio City”, ayon pa dito.

Sinabi pa ni Gacula na kinansela na niya ang mga school-related activities upang maingatan ang mga estudyante lalo na’t dadagsa ang mga bisita sa pagdiriwang ng Hamaka Festival. “Pagka may mga ganyang activity na yung mga tao magsasama-sama magiging crowded yung situation, so yun mga activities involving schools ay atin ng isinasantabi muna,” dagdag pa ng alkalde. “At kung dumating yung panahon na masasabi natin na nawala na yung ating fears o agam-agam pagdating sa coronavirus madali ng i-schedule yan, at yung pamahalaang bayan natin ay hindi naman tumitigil para proteksyunan ang ating mga constituents,” pagtitiyak ni Gacula.

Nag-iimbita rin si Mayor Gacula na pasyalan ang ipinagmamalaki at kasalukuyang ginagawa  na simbahan ng Saint John the Baptist.  Ito umano ay kahalintulad ng Saint Peter Church sa Roma, at ang kampana umano nito ay mula pa sa Belgium. Kung ikaw ay mapapasyal sa nasabing simbahan ay para ka na rin umanong nakapunta sa Roma. Isa umano ito sa dadayuhin ng mga turista maging ng mga kalapit na probinsiya sakaling ito umano ay matapos na.