Video Credits to: TV Maria
Sa pagdiriwang ng ika-103rd anniversary of the apparition of Our Lady of Fatima ngayong araw, May 13, 2020, nagsagawa ng Banal na Misa sa Manila Cathedral kanina sa ganap na ika–12:00 ng tanghali at natapos ang misa bandang 1:20 ng hapon. Ito ay bilang bahagi ng Act of Consecration of the Archdiocese to the Blessed Mary.
Pinangunahan ni Most Rev. Broderick S. Pabillo, DD, Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila ang isinagawang Holy Mass bilang presiding priest. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng 5 Mayors ng siyudad na kabilang sa Archdiocese of Manila, na kinabibilangan nina: Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso, Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos, Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Makati Mayor Abigail Binay, at San Juan Mayor Francis Zamora.
Sa bahagi ng consecration, inanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga mayors na lumuhod at sabay-sabay na bangitin ang prayer of Consecration para sa kanikanilang lungsod. At bilang bahagi ng Archdiocese of Manila, isa-isang binasa ng bawat Mayor ang kani-kanilang dasal at kahilingan, para sa panunumbalik at kaayusan ng kanilang lungsod dahil sa corona virus (COVID-19). Kasunod nito, ang bawat mayor ay nag-alay ng bulaklak at dasal sa harapan ng imahe ni Mama Mary.
Panoorin ang kabuoang selebrasyon ng Feast of Our Lady of Fatima sa Facebook page ng TV Maria: https://www.facebook.com/tvmariaphils/videos/267824087686267/