Nag-alok ng “Libreng Sakay” o transportation assistant, ang ilang lungsod at munisipalidad sa mga nagtatrabaho, na nahihirapang pumasok sa kani-kanilang mga pinapasukan na trabaho, dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon, ngayong umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Inanunsyo ng local na pamahalaan ng Quezon City nitong Martes, na magkakaroon sila ng dalawang bagong ruta na daraanan ng 14 na bus, para sa kanilang Libreng Sakay Program, na tutulong sa mga commuters. Ganon din ang Pasig City, sa pangunguna ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Naglungsad din ng app na makatutulong sa mga mananakay sa Pasig City, na matunton ang lokasyon ng “Libreng Sakay” bus.
Ang Valenzuela City naman ay nag deployed din ng mga trucks, para magkaroon ng pampublikong libreng sakay simula June 1, 2020. Inanunsyo rin ni Rodriguez, Rizal Mayor Dennis “Tom” Hernandez, na meron din silang “Libreng Sakay” Program sa kanilang Bayan sa Rodriguez Rizal, na kung saan may apat na nakatalagang ruta. ito ang: San Isidro hanggang Litex, San Rafael hanggang Litex Jollibee, Burgos hanggang Litex Market, at Montalban hanggang Marikina. Ang bawat ruta ay may kanya kanyang designated drop-off, pick-up points, at schedulel para sa mga pasahero.
“Dahil limitado pa rin ang pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ at marami na ang nagbabalik trabaho, prayoridad po natin, na matulungan at mapangalagaan ang kanilang biyahe pagpasok lalo na ang ating mga essential frontliners, at healthworkers,” ayon kay Mayor Hernandez. Sinabi pa nito na ang general public at local na residente, ay makaka-avail ng Libreng Sakay tuwing Lunes hangang Sabado mula 5:30 a.m. to 8:00 p.m. sa ibat-ibang ruta sa lungsod.
Pinaalalahanan din ng Alkalde ang mga pasahero, na sundin lagi ang panuntunan, ang pagsusuot lagi ng face mask, at ang pagpapatupad lagi ng social distancing, para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus (COVID-19). “Ang lahat ng sasakay ay dapat mayroon suot na face mask, at mainam na may dalang personal disinfectants palagi bilang proteksyon. Kailangan pa rin umano ang kaukulang dukumento, gaya ng ID o travel pass para sa checkpoints na daraanan,” ayon pa kay Hernandez.