Matapos lumabas sa online ang opisyal na pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong, at pinatotohanan nito ang insedente, hinggil sa pag akyat ng grupo ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa Baguio City nitong nakaraang June 5, 2020, na ikina dismaya ng mga residente. Anila, nalagay sa panganib ang nasabing siyudad dahil sa paglabag sa health and security protocols ng Baguio City, inamin naman at humingi na rin ng paumanhin si San Juan Mayor Francis Zamora na tinanggap naman ng Alkalde.
Samantala, kamakalawa lamang, pinawalang sala na rin ni DILG Secretary Eduardo Año si Mayor Francis Zamora sa umanoy paglabag sa Quarantine Protocol sa Baguio City noong isang linggo. Ayon kay Secretary Año, walang nangyaring pang aabuso sa kapangyarihan sa panig ni Mayor Zamora, kayat wala umanong dahilan upang ito ay kasuhan. Paliwanag pa ni Año, na wala namang iniutos ang alkalde sa kanyang mga tauhan na baliwalain ang chekpoint papunta sa Baguio Country Club.
Dagdag pa ng kalihim, na ang mga pulis escort ang may kasalanan, kayat nirelieve na ang mga ito sa pwesto. Giit pa ni Año, na nagkaroon lamang din ng miscommunication, dahil nakapagpasuri naman ang grupo ng alkalde bago makarating sa kanilang destinasyon. Una nang sinabi ni Mayor Francis Zamora, na natutulog sya nang mangyari ang insidente. Subalit, humingi pa rin umano ito ng paumanhin sa nangyari, na tinanggap naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paumanhin ni Zamora.