image

Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagpirma nito sa regularisasyon ng mga  empleyado

Kasabay sa pagdiriwang ng ika- tatlongput-isang (31) taong kaarawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong nakaraang June 17, 2020, ang pagpirma nito sa regularisasyon ng mga  empleyado ng pamahalaang lungsod ng Pasig na mahigit na dalawangpung (20) taon nang nagtatrabaho bilang mga kontraktwal.

“Masaya ako na ianunsyo: na wala nang kontrakwal na empleyado sa Lungsod na mahigit 20 taon nang nagseserbisyo”, ito ang kanyang pahayag sa kanyang Facebook page.

Sa mismong araw ng kaarawan ni Mayor Sotto, inanunsyo nito na mayroong mahigit sa 100 empleyado na naman ang magiging regular sa kanilang mga trabaho. Simula umano January 2020 umaabot na sa 263 ang ang mga naging regular na empleyado, mula sa lokal government staff at mga trabahador.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang mga naging regular na mga empleyado, ay kinabibilangan ng streetsweepers, engineering aid na nananatiling Kontraktwal sa lokal na pamahalaan ng halos 20 taon na. Magpapatuloy umano ang regularization program ng mga empleyado, sa susunod na mga araw, nagkaroon lang umano ng pag kaantala dahil sa COVID-19.

Bago pa man sumapit ang kaarawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, sinabihan na rin nito ang kanyang staff na walang magbibigay ng suprise party para sa kanyang kaarawan. Bagkus, hinikayat nito ang mamamayan na nais magbigay ng regalo sa kanya, na mag donate na lamang ng mga foodpacks para sa mga nangangailan na apektado ng coronavirus pandemic.

“Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery foodpack at ipamigay sa nangangailangan (pwede nyo i-drop off sa RED o sa mayor’s office; kung ano ang mas convenient),” ito ang sinabi ni Mayor Sotto sa kanyang Facebook page nitong nakaraang miyerkules ng umaga.

“Pakiusap na wala munang selebrasyon o surprise party. Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering . . . buhay na buhay pa si COVID mga kaibigan,” dagdag pa ng alkalde.