Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na gumamit na ng mga alternatibong paraan sa pakikipagtransaksyon bukod sa pagpunta sa main office at mga branches nito.
Irinerekumenda ng SSS na makipagtransaksyon sa My.SSS web portal na laging bukas para sa online transactions gaya ng pag-generate ng Payment Reference Number, pag-access sa kanilang records, updating ng contact details ng miyembro, online filing ng maternity notification, retirement claims, salary at calamity loans.
Maaari ring mag-set ng appointment ang mga SSS sa members branches gamit ang “Appointment System” na matatagpuan din sa My.SSS web portal. Bukod pa rito, mayroon ding drop boxes sa SSS branches para sa pagtanggap ng kanilang benefit applications. Nais ring ipagbigay alam ng SSS na nagpapatupad ito ng number coding scheme sa ilang branches para maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao dito.
Humihingi ng pang-unawa ang SSS sa mga miyembro nito sa mahigpit na pagpapatupad ng mga precautionary measures para sa kanilang kaligtasan bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.