image

Matapos maaktuhan ang mga paglabag ng ilang establisimiento  sa tuntunin ng IATF sa Antipolo City, pinadlock ng pamahalaang lungsod ng Antipolo ang ilang pasaway na estabisimiento, matapos mapatunayang lumalabag sa Quarantine protocol ng Department of Health.

Hindi na nagawa pang isara ng ilang establisimiento sa Antipolo City ang kanilang mga tindahan, matapos ang isinagawang surprise inspection ng Antipolo Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa kahabaan ng M.L. Quezon Street sa nasabing Lungsod. Personal na naaktuhan ng mga taga BPLO ang paglabag ng ilang establisimiento, kagaya ng Rice wholesale and retails, Cassielle bakeshop, Palawan express pera padala, Green wealth, Rowels poultry farm supply at ilan pang mga tindahan.

Kabilang sa mga paglabag ay ang hindi pagsusuot ng facemask, social distancing, hindi paggamit ng thermal scanning at walang sanitizers at disinfectants. Sa official fb page ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, sinabi nito na ipinag-utos niya ang surprise inspection at ang agarang pagpapasara sa mga mapapatunayang lalabag sa health protocol.

Hindi na rin naman pinatawan pa ng kaukulang multa ang mga ipinasarang establisimiento, at papayagan din umano silang muling makapag-operate kung may kakayahan na ang mga ito na sumunod sa health protocol.

imageimageimageimageimage