image

Ikinalungkot ni Cainta Mayor kit Nieto ang pagkakaroon na naman  ng 7 nag positibo, sa isinagawang rapid testing ng mga empleyado ng Munisipyo ng nasabing bayan nitong nakaraang Martes. Ang mga nag positibo sa rapid testing ay mula sa Sanguniang Bayan(SB) personnel office na kung saan nandoon din ang Vice Mayor’s Office na nasa ikatlong palapag ng  nasabing gusali.

Malalaman umano sa mga susunod na araw ang confirmatory testing nito. Sa FB account ni Cainta Mayor Kit Nieto, nalulungkot umano siya dahil sa pagkakaroon na naman ng nag positibo sa mga empleyado ng munisipyo. Nagbiro pa ang Alkalde na malas yata ang number 7 sa kanya, dahil ito umano ang ika-7 taon niyang pag-upo bilang Alkalde ng bayan, ikapitong buwan naman ng taon sa ngayon at pito rin ang nagpositibo sa rapid testing ngayong buwan.

Ang nasabing covid rapid test noong Martes na nag positibo ang pito, ay na swabbing na rin sila para sa isang confirmatory test, at malalaman ang resulta sa mga susunod na araw. Ayon pa kay Mayor Kit Nieto, para makasiguro na wala nang mag popositibo pa, kanya ng ipinasara ang buong 3rd floor ng munisipyo kung saan naroon ang VM office at Councilors offices. Kailangan umanong ma-sanitize ang buong building ng munisipyo, at agad na pinagbawalan ang mga nakahalubilo ng pitong nagpositibo na huwag na munang pumasok sa loob ng 14 na araw alinsunod sa DOH protocol. Kailangan din ang  contact tracing at rapid testing sa mga kaanak ng mga SB personnel.

Sinabi pa ni Cainta Mayor Kit Nieto, na mananatiling bukas ang kanyang opisina dahil hindi naman pwedeng tumigil sa pagbibigay ng tulong sa mga Cainteños,  at naka isolate naman na ang 7 na nag positibo. Ayon pa sa Alkalde, na nasa 100 naman ang nag negatibo sa rapid test at  mayroong 5 gumaling sa COVID-19.

Dagdag pa nito, na laging bukas ang People’s Center ng Cainta para sa mga kailangang magpa rapid test. Pinayuhan din ni Nieto ang mga may transaksyon sa munisipyo na, ipagpaliban na muna ang pagpunta at kung maari laging magsuot ng Facemask at panatiliin ang Social Distancing, at laging maghuhugas ng kamay at katawan. Ipinagbabawal pa rin ang pagpapapasok ng seniors at below 20 years old sa munisipyo, “Mag-ingat kung babantayan ang mga papasok, mag-ingat din kayong lahat, sa munisipyo lang ako bukas,”ayon pa kay Mayor Kit Nieto.