Skip to content
l
  • About
  • Contact Us
  • Staff Box
  • Advertise with us
Noon Break Balita Noon Break Balita

Maiinit na balita tuwing tanghali.

  • Home
  • News
    • Nation
    • Metro Manila
    • Regional
    • World
  • Science and Technology
  • Agriculture
  • More
    • LARGA!LARGA! ni Whin Corpuz
    • Business
    • Education
    • Entertainment
    • Lifestyle
    • Police Report
    • Special Reports
    • Technology
  • Facebook

SSS Nagbabala: Mag-ingat sa mga Online Fixers

Posted by Raffy Rico October 7, 2020

download

Kailangan mag-ingat ngayon, paalala ng SSS sa mga Miyembro at Pensionado, sa mga Online Fixers ngayon na naglilitawan ang mga ito. Hindi konektado at awtorisado ang anumang social media accounts at pages na nanghihingi ng bayad sa mga miyembro at pensyonado ng SSS, kapalit ng paggawa ng kanilang SSS account at sa pag-sumite ng kanilang mga aplikasyon sa mga benepisyo, tulad ng retirement at mga aplikasyon ng loan sa SSS.

Pinapayuhan din ang mga miyembro na ingatan ang kanilang SSS accounts sa mga mapanlinlang na mga indibidwal at siguruhin na lahat ng kanilang gagawing aplikasyon online ay sa pamamagitan lamang ng kanilang My.SSS accounts na maaaring i-access sa www.sss.gov.ph at SSS Mobile App.

Binabalaan din ng SSS ang mga online fixers na sila ay may kriminal at sibil na pananagutan dahil sa pagkuha ng mga mahalagang impormasyon at sapilitang paghingi ng kabayaran mula sa mga miyembro at pensyonado ng ahensya.

Ito ay paglabag sa Section 17 ng Batas Republika 11199 o ang SS Act of 2018 at may karampatang multa na aabot hanggang P5,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa 6 na buwan at maaaring umabot ng 1 taon, o parehong kaparusahan, depende sa magiging desisyon ng korte.

Bukod dito, ang paggamit ng online fixers ay labag din sa Batas Republika 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Upang isumbong ang mga pinaghihinalaang nagsasagawa ng online fraud at mga online fixer, maaaring mag-email ang mga miyembro at pensyonado sa SSS Special Investigation Department sa fid@sss.gov.ph o magpadala ng mensahe sa alinmang social media accounts ng SSS gaya ng SSS Facebook page, “Philippine Social Security System,” Instagram account, “mysssph,” at Twitter account, “PHLSSS.” Hinihimok din naman sila na sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates,” upang makatanggap ng tamang impormasyon mula sa SSS.

Facebook Comments
Last updated on October 9, 2020
Raffy Rico
Publisher of Noon Break Balita
View All Posts

Post navigation

Previous Post
Libreng Laptop/Tablet para sa Public School Teachers and Students Libreng Laptop/Tablet para sa Public School Teachers and Students
Next Post
DA-PhilRice, nagsimula nang mamahagi ng libreng certified inbred seeds para sa darating na tag-araw DA-PhilRice, nagsimula nang mamahagi ng libreng certified inbred seeds para sa darating na tag-araw
Advertisment


DRP Media Productions


DRP Media Productions




Recent Stories
  • Mas Mataas na Jackpot, Mas Mataas na Taya: Lotto Sales Umangat ng 38.3%
  • Marikina, muling binuhay ang “Tapat Ko, Linis Ko” para sa disiplina at kaayusan
  • PRC Blood Summit Day 2: Ligtas na Dugo, Makabagong Sistema
  • Pinaka-Modernong CDRRMO Building sa Bansa, Pinasinayaan sa Mandaluyong
  • WEF ASEAN 2026, PORMAL NA INILUNSAD SA QC: Kababaihan, Nangunguna sa SHEconomy ng Rehiyon
  • PCSO, Umani ng Internasyonal na Parangal 𝙒𝙤𝙧𝙡𝙙-𝘾𝙡𝙖𝙨𝙨 𝙂𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙇𝙚𝙖𝙙𝙚𝙧 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨
Follow us on Facebook
Follow us on Facebook
Copyright 2026 © Noon Break Balita. All rights reserved.
Site Access
Scroll to Top