image

Pinondohan ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) ng halos mahigit P1.6 milyon ang Angono New Normal Farmers Association (ANNFA) samahan ng mga Senior Citizen na nagtatanim ng root crops at gulay  sa Angono Rizal.

Bagamat malakas na ang ulan at nasa signal no. 3 na ang bagyong Ulysses sa buong NCR nitong nakaraang  Nov. 11, 2020 natuloy pa rin ang  Memorandum of Agreement  o MOA signing ng DOST PSTC – Rizal, LGU Angono, at ng DOST – CALABARZON na kung saan ito ay may temang:” Community Based Vegetables Farming for Vulnerable Sectors in Selected Areas in Angono Rizal during the COVID 19 Pandemic.”

Ito ay ginanap sa Balaw Balaw Restaurant and Art Gallery na matatagpuan sa Angono Rizal na dinaluhan nina: (From Left) Mrs. Loreta E. Magadia, President, Angono New Normal Farmer’s Association (ANNFA), Dr. Joel V. Tuplano, OIC Angono Municipal Agriculturist/Municipal Veterinarian, Mr. Fernando E. Ablaza, Provincial S&T Director DOST PSTC – Rizal, Hon. Mayor Jeri Mae E. Calderon, LGU Angono, Ms. Emelita P. Bagsit Asst. Regional Director for Technical Operations, DOST – CALBARZON and Ms. Horizon Chaser Media Practitioner/Radio Announcer, Happy Morning Program @ DWBL.

Labis labis ang pasasalamat ni Mrs. Loreta E Magadia, Presidente ng ANNFA sa kanilang hiling sa DOST-PCAARRD na tulungan silang mga Farmers na Senior Citizen na mapalago ang kanilang taniman ng gulay sa kanilan bakuran, katuwang ang LGU ng ANGONO Rizal  at DOST PSTC – Rizal. Nagpasalamat din si Municipal Angono Mayor Jeri Mae Calderon dahil ang kanilang bayan ang isa sa napili na pagkalooban tulong ng DOST-PCAARRD hingil sa tamang pagtatanim ng mga gulay.

Ang New Normal Farmer’s Association (ANNFA) ay binuboo ng 20 pamilya na karamihan ay mag-asawang senior citizen, na wala  ng mga trabaho na ang layunin ay ayusin na lamang ng husto ang kanilang dati ng taniman ng mga rootcrops  at gulay. Kung kaya sa isang programa ng DOST–PCAARRD na “Gulayan sa Pamayanan” ay nakita ng grupo ang tsansa na matupad ang kanilang mga pangarap sa tulong ng kanilang kabarangay na si Horizon Chaser.

Ang layunin ng DOST-PCAARRD sa programa nilang “gulayan sa pamayanan,” na matulungan ang mga SC na magsasakang magtanim ng ibat-ibang uri ng gulay kagaya ng leafy vegetables, root crops, cereals at legumes sa kanilang lupa sa likuran ng kanilang mga tahanan. Kung kaya ang mga magsasakang senior citizen na may mga lupang taniman na aabot sa isang ektarya at interesado sa kanilang programa, sila ang matutulungan ng PCAARRD sa pamamagitan ng pagbibigay ng seeds, fertilizers, kasama na ang mga gagamiting tools para mapabilis ang pagtatanim at maging maganda at maayos ang lalabas na produkto. At dahil sa kakulangan pa rin ng kaalaman sa tamang pagtatanim, kailangan pa rin na dumaan sa technology seminars at training hingil sa pagtatanim ng root crops at gulay ang ANNFA.

Ayon kay Ms. Emelita P. Bagsit, Assisistant Regional  Director for Technical Operation ng DOST, ang halagang ibibigay sa mga farmers ay hindi cash, kundi mga kagamitan sa pagtatanim, abono, seeds, gastos sa mga seminar at training at iba pang pangangailangan ng mga SC na magsasaka.  Sinabi naman ni Mr. Fernando E. Ablaza, Provincial S&T Director DOST PSTC – Rizal, ikinagagalak nila na umaabot na sa mahigit 20 Setup ang natulungan ng DOST sa buong Rizal at 5 dito sa bayan ng Angono kasama na ang Balaw Balaw Restaurant and Art Gallery na kung saan ginanap ang MOA signing, dagdag pa ang grupo ng ANNFA na tinutulungan sa ngayon, ayon pa kay director Ablaza.

image