image

Magkatuwang na isinakatuparan ng Rotary Club of Mandaluyong-Pasig-San Juan, District 3800 (RC ManPaSan), San Juan City Councilor Jana Ejercito at ng Rotary Club ng  Neede, The Netherlands District 1560, isang projecto na may temang “Hugas Kontra COVID-19 wash stations” na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng corona virus sa lungsod ng San Juan.

Matatandaang ang San Juan City ay kinukunsidirang  pinakaunang lungsod na nagkaroon ng kasong COVID-19 sa Pilipinas. Ang unang kaso ng COVID-19 ay nagmula sa isang prayer room sa Greenhills Commercial Complex, sa San Juan City .

Nagsagawa kamakailan ng pagaaral ang pamunuan ni San Juan City Councilor Jana Ejercito, kasama ang San Juan Rotary Club ng ManPaSan, para malaman kung saang barangay ang may mataas na kaso ng coronavirus. Nalaman ng grupo na ang may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang mga lugar na marami ang populasyon na halos dikit-dikit ang mga bahay  kung kaya madaling  magkahawaan.

Matapos malaman ng grupo kung saan ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19, nag-occular inspection ang RC ManPaSan bilang representante ng Presidente nito na si Aileen Perez, kasama ang dating Presidente na si Oscar Bautista na siyang nag disenyo ng wash station para gawing portable, sturdy at may foot pedal para huwag ng hawakan ang gripo. “The launching behind this basically is just to make sure that we follow the protocol, so as much as possible we do not want them to touch the faucet, that’s why it’s a foot operated,” ayon kay Bautista. “And we put the hand washing guide just to be able to wash your hands correctly. Actually, we believe that hand washing is better than alcohol,” dagdag pa ni nito. Umalalay din ang Charter President Jun Bernad bilang technical expert.

Nitong nakaraang December 4 at 11, 2020, kinabitan na ang mga barangay na napili ng wash station na kinabibilangan ng 4 na barangay. Ang mga ito ay Sta. Lucia Elementary School/ Barangay Hall, San Perfecto Basketball Court, Police/ Fire Station/ Barangay Health Center, Onse Barangay Hall at Barangay West Crame Elementary School/ Police Station/ Barangay Health Center.

Ayon kay RC ManPaSan President Aileen Perez, ang hand washing stations na itinayo sa apat na barangay ay paghahanda para sa  Christmas season na kung saan maraming residente ang pupunta sa ibat-ibang lugar. “We identified the high-risk COVID areas in San Juan and we put up the hand washing stations in preparation for the Christmas season.”

Buong puso namang pinasalamatan ni Konsehal Ejercito ang Rotary Club sa pagbibigay ng donasyon na hand wash stations sa lungsod ng San Juan. “We also have to practice safety to prevent the spread of the virus,” pahayag ni Ejercito sa panayam ng ilang mamamahayag. “This is a very big help for our city, so thank you very much and we look forward to work with you again,” dagdag pa ng Konsehal.

Tinataya namang mahigit sa P20,000 ang nagastos sa bawat isang wash station na itinayo sa 4 na barangay.

 

Councilor Jana Ejercito

Councilor Jana Ejercito

Councilor Jana Ejercito