Lanao del Norte – Nakatanggap kamakailan ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa limang munisipyo dito ng mga proyektong pang-imprastraktura mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Pinangunahan ni DAR Regional Director Merlita Capinpuyan ang turn-over ng mga imprastraktura sa limang lokal na pamahalaan dito na kinabibilangan ng: Kolambugan, Tangcal, Tubod, Magsaysay at Munai. Ang iginawad na imprastraktura ay may kabuuang halagang PhP81.4. Kasama sa mga proyektong pang-imprastraktura ang mga sistema ng patubig, Tulay ng Pangulo at mga sistemang pang-komunal na irigasyon.
Sinabi ni Capinpuyan na ang proyekto na ipinatupad sa ilalim ng programang Sustainable Agrarian and Agriculture Development (MinSAAD) ng Mindanao ay lubos na makakatulong sa mga magsasaka na dalhin ang kanilang mga produkto sa merkado at makatutulong din upang makarating ang mga suportang serbisyo mula sa pamahalaan patungo sa kanilang mga lugar.
Ayon kay MinSAAD project manager Eduardo Suaybaguio, may 2,898 mga magsasaka ang makikinabang sa rural water system sa mga Barangay at kalapit na mga sitio mula sa munisipalidad ng Tangcal sa Pantaon, Kolambugan. Sa kabilang banda, 640 na mga ARBs sa Barangay Maganding sa munisipalidad ng Munai ang makikinabang mula sa isa rural water system na itinayo doon.
Sinabi ni Suaybaguio na ang DAR ay nagbigay din ng mga communal irrigation system sa munisipalidad ng Magsaysay na tutubigan ang 50 ektarya ng mga bukirin na matatagpuan sa barangay Lumbac at Baguiguicon, habang 100 ektarya ng mga bukirin ang ngayon ay napapatubigan na sa Barangay Lindongan.
Ang isa pang proyektong ipinagkaloob ng DAR ay ang Tulay ng Pangulo na nagkakahalaga ng P25 milyon bawat isa. Sumusukat ng 28 metro ang haba, ang mga tulay ay itinayo upang ikonekta ang kalapit na mga barangay sa munisipalidad ng Tangcal. Ang tulay sa Barangay Sto-Niño sa Tubod ay nag-uugnay ngayon sa mga tao sa munisipyo ng Baroy.
Ang Barangay chairman ng Pantaon na si Saadoden Dimalog ay nagpasalamat sa mga proyekto ng MinSAAD dahil magkakaroon na sila ng mas mahusay na pag-access sa malinis na suplay ng inuming tubig. “Nagpapasalamat kami ng lubos, na mayroon kaming maiinom na malinis na tubig. Nagpapasalamat din kami dahil marami talaga kaming hirap na pinagdaanan bago naipatupad ang proyektong ito,” ani Dimalog.
Ang MinSAAD ay isang proyekto na layong maibsan ang kahirapan ng mga magsasaka sa Mindanao at tugunan ang mga isyu sa kahirapan sa pamamagitan ng pagiging bukas sa kompetisyon at pagpapanatili ng agrikultura.