image

Proyektong “Buhay sa Gulay” ng Department of Agrarian Reform (DAR) inumpisahan ng tamnan ang may 7 ektaryang lupain na sakop ng New Greenland Farm, Barangay Bagong Silangan sa Quezon City. Aabot sa walumpung (80) benepisyaryo na naninirahan sa lungsod Quezon ang magtatanim para sa ikalawang proyekto ng DAR sa Metro Manila, ito’y upang mabigyan ang mga residente ng barangay ng tuluy-tuloy na suplay ng iba’t ibang uri ng mga gulay sa buong taon.

Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Office Atty. Emily Padilla na: “Nagsimula lamang po ito sa isang pangarap, sa kagustuhan nating makatulong na mapakain ang pitong porsyento ng populasyon sa barangay Bagong Silangan, sa New Greenland Farm. At sa tiwala sa bawat isa sa inyo na kaya ninyong payabungin itong mga halaman na ito. Magtiwala po tayo sa ating mga sarili na kaya nating tumayong mag-isa. Na ang lungsod ng Quezon ay maaaring maging sentro ng agrikultura, kahit ito ay nasa gitna pa ng highly urbanized city.”

Sinabi naman ni DAR-Calabarzon Regional Director Rene Colocar na ang mga residenteng-benepisyaryo sa QC ay una sa lungsod at ikalawa sa proyekto ng DAR na urban vegetable farming sa Metro Manila, na nakapagtanim na ng gulay at binhi sa halos isang ektaryang lupa sa kabuuang sakop nito na pitong ektaryang lawak ng lupa nitong nakaraang araw lamang.

Ayon pa kay Colocar na apatnaput-limang (45) garden plots na may sukat na 1 metro x 12 metro ang inihanda para  pagtamnan. Isang kompetisyon ang inihanda sa pagitan ng mga residenteng-benepisyaryo, na kung saan hinati sa limang grupo ang mga ito, binigyan ng kani-kanilang parte ng lupa na kanilang lilinangin at pagyayamanin. Ang bawat koponan ay magkakaroon ng hindi hihigit sa 9 na garden plots na binubuo ng isang parsela.

“Matapos magtanim, dapat tiyakin ng grupo na lahat ng pangangailangang pang araw-araw na pamamahala sa pataniman ay maisasagawa hanggang ang mga halaman ay handa na para anihin pagkalipas ng 25 araw,” aniya.

Isiniwalat ni Colocar na ang 7-ektayang hardin ng gulayan na ginamitan ng bahagyang mekanisasyon sa Quezon City ay makapagbibigay ng karagdagang kita na Php125,488 sa bawat kalahok na mga naninirahan sa siyudad sa bawat taon.

katuwang ang anim (6) na agrarian reform beneficiary organizations (ARBOS) ng DAR-Cavite at dalawang (2) ARBOs ng DAR-Rizal. Ang mga magsasakang ito ay pawang mga sinanay ng DAR na kung saan sa ngayon ay itinuturing na mga farmer-scientists, na siyang nagturo ng mga kaalaman at tamang paraan ng pagtatanim ng gulay sa 80 benepisyaryo na naninirahan sa lungsod,

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, “ito ang aking pangarap na proyekto na magkaroon tayo ng urban farm sa ating lungsod para hindi na tayo aasa pa sa ibang lalawigan para sa ating pangkabuhayan at sa ating pagkain.”

Sinabi naman ni Bagong Silangan Barangay Chairman Wilfredo Cara na ang mga residente sa kanilang komunidad ay masayang-masaya sa proyektong ito dahil may murang mapagkukunan na sila ng mga gulay.

Inilunsad ng DAR at ng pamahalaan ng Quezon City ang ikalawang proyekto ng “Buhay sa Gulay” noong January 8, 2021, at inaasahan nila ang unang pag-aani sa Pebrero 14, 2021.

 

image

image

image