image

Nasa harapan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Bio-thermal Packaging System para ipakita sa grupo ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps ang nasabing gadget na wala pa sa ibang LGUs. Isa itong lagayan ng vaccines na mahigit sa siyam na raan ang pwedeng ilaman, ito ay tatagal hanggang limang oras na puwede para sa paglilipat ng vials mula sa cold storage facility at dadalhin sa ibang barangay o sa vaccination Center.”Pag nilagay mo ang vaccine ang temperature ay nasa 2 degrees o hanggang 8 degrees lang, na kahit maiwan sa vaccination area ang bakuna at hindi naka  refrigirator, aabot pa rin ito ng 5 araw at tatagal pa ang lamig nito,” paliwanag ni Mayor Teodoro.

Nagkasundo ang Marikina City local government unit (LGU) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na magtutulungan para sa gagawing dredging at pagsasaayos ng ilog upang maiwasan na ang pagbaha sa siyudad habang bumilib din sa mga ideya ng alkalde kontra coronavirus disease (Covid-19).

Sa naganap na courtesy call ni bagong upong MMDA Chairman Benhur Abalos kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, kamakailan sa City hall, nagkasundo  na magtatalaga ng permanent personnel sa Marikina City na magsasagawa ng  dredging activities at restoration ng mga dike upang hindi na mabilis tumaas ang tubig sa ilog ng Marikina. “Inassess namin for the future kung ano ‘yung pwede naming gawin like number one kung ano ‘yung mga dredging na gagawin naming. Tapos template na yung nangyari last time, ‘yung mga rubber boats ba kailangang mas malaking mga bangka. Kung anong mga lugar ang i-de-declog pa ngayon, at mag-a-assign na kami ng tao dito for this para permanente na dahil tuwing umuulan, that’s topography ng Marikina, eh,” ayon kay Abalos.

Nilinaw ni Mayor Teodoro na nangako ang MMDA na tutulong sila sa gagawing dredging operations para hindi na bumaha sa lungsod. “The MMDA promised to assist the city in its dredging operations that aims to increase the water carrying capacity of Marikina River and prevent future flooding,” ayon kay Mayor Marcy.

Nangako rin si Abalos sa restoration  ng dikes sa Provident Village na siyang mas naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagyong Ulysses.

Samantala, bumilib si Abalos kay Mayor Marcy  Teodoro dahil nangunguna ito sa lahat ng LGU pagdating sa inisyatibong makatulong kontra sa  coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa pagpapatayo ng sariling molecular diagnostics laboratory, cold storage facility at ang Bio- thermal Packaging System na wala ang mga LGU na kung saan isa itong lagayan ng vaccines na tatagal hanggang limang oras na puwede para sa paglilipat ng vials mula sa cold storage facility at dadalhin sa ibang barangay o sa vaccination Center.

“Pag nilagay mo ang vaccine ang temperature nasa 2 degrees o hanggang 8 degrees lang, tapos puwedeng tumagal ang bakuna roon omaiwan sa vaccination area at kahit wala sa refrigerator ng 5 araw ay tatagal pa ang lamig nito,” paliwanag ni Teodoro.

Nasa 259,000 residente ng Marikina ang nasa listahan na ng mga nais na magpabakuna kontra Covid-19. (LOUIS TANES)