Sisimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) sa buwan ng Pebrero ang nationwide roll out saliva RT-PCR test matapos ang Go signal ng Department of Health (DOH) na isang alternatibong test para sa ayaw ng swab test.
Ayon kay Senator Richard J. Gordon, chairman and CEO Philippine Red Cross, mainam na nationwide na ang saliva test para mas marami ang maserbisyuhan na kung saan sa Mandaluyong at Manila lamang ang nabibigyan ng test.
Giit na Gordon na kailangang ma test din ang isang tao dahil kahit na nabakunahan na ito at mayroon naman siyang virus ay wala ding epekto ang bakuna.
“You cannot do away with testing. Kahit na meron ka ng . Kailangan may proteksyon ka pa ding face mask, kailangan may proteksyon ka din ng hugas kamay at distancing because even if you get the vaccine, you could still be a carrier. Pangalagaan natin ang mga sarili natin para hindi tayo makakasakit ng ating mga mahal sa buhay,” paglilinaw ni Gordon.
Nilinaw pa ng PRC na ang saliva RT-PCR test ay pareho din ng ginagamit na sistema sa pagkuha ng swab samples, na kung saan kailangan lamang ng 1.5 ml to 2 ml ng saliva na ipadadaan sa straw at diretso na ang specimen patungong RT-PCR machines.(LOUIS TANES)