image

Inilungsad ng Department of Agrarian Reform [DAR] at ng lungsod Caloocan ang ikatatlong paglulunsad ng proyektong “Buhay sa Gulay” sa halos 4,419 metro kwardradong bakanteng lote sa Sunriser at Vista Verde Village , Barangay 167-Llano, Caloocan City para pagtamnan ng gulay.

Layunin nito na magkaroon ng mapagkukunan ng pagkain at alternatibong pagkakakitaan ang mga taga Lungsod ng Caloocan partikular ang mga naninirahan sa nasabing Village.

Ang pagsasanib puersa ng DAR at ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ay patunay na ang mamamayan ay handang magtulungan para labanan ang kahirapan at sugpuin ang kagutoman sa siyudad  dulot ng coronavirus COVID-19 pandemic.

Ang proyektong “Buhay sa Gulay” ay magkatuwang na isinakatuparan ng pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga organisasyon sa komunidad na pinangungunahan ng  na pamahalaan ng Caloocan, Agricultural Training Institute, mga residente ng Barangay 165, 166, 167, 168, at mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Cavite at Rizal.

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding [MOU] Si DAR Secretary Bro John Castriciones at ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Oscar “Oca” G. Malapitan para pagtibayin ang nasabing kasunduan.

Bukod sa MOU, isinagawa rin ang seremonya kung paano magtanim ng butil ng gulay, na kung saan Ito ay pinangunahan ni DAR Sec. Castriciones, Mayor Malapitan at ilang matataas na opisyal ng DAR, DA, at LGU’s ng Caloocan City.

Ang mga benepisyaryo ng proyektong “ Buhay sa Gulay” ay tuturuan kung paano ang pagtatanim ng mga siyentistang-magsasaka na mula sa ARBs ng DAR-Calabarzon. Ang Department of Agriculture [DA] ang siyang magkakaloob ng mga makinarya at mga gamit para sa pagtatanim.

Sa mensahe ni Caloocan Mayor Maliksi, “ Nagpapasalamat po ako sa Pambansang Pamahalaan na binigyan tayo ng ganitong programa. Hindi lamang tayo binigyan ng proyekto, kundi inalalayan at inaruga pa tayo sa pagkakataong ito. Ang proyektong ito ay napapanahon ngayong pandemya, sapagkat sa pamamagitan ng pagsasaka, kahit papaano tayo ay nakakakaraos sa ating nararanasang krisis.

Ayon kay Catriciones, posibleng bumalik pa ang grupo sa Caloocan City, dahil marami pang bakanteng lote na pwede pag pagtamnan ng gulay, nabangit umano ito ni Mayor Malapitan sa kanilang paguusap.

Sa isinagawang Press Conference, sinabi ni Casrtriciones na ang mga susunod proyekto ay maaaring  ganapin sa Pasay, Pasig o Pateros.

image

image

image