“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: JD AGAPITO (#4)

image

“DAR- Department of Agrarian Reform”

Ahensya ng gobyernong pinakanangunguna
Sa “Comprehensive Agrarian Reform na programa”
Para sa tamang  distribusyon ng lupang sinasaka
Pag-aari nito ay para sa produksyong pang-agrikutura

Iisa kasi ang hangarin ng nasabing departamento
Mapataas   ang antas ng pamumuhay  ng bawat Filipino
Sa tama at pantay na mga  pagtrato
Mga polisiya at gabay ay pinag-iisipan ng husto

Sa Executive Order #75 Serye ng 2019
Government Own Lands o GOL ang acronym
Ito ang IRR o implementing rules and regulation mandin
Na tutukoy sa pang-agrikulturang mga lupain

Sa IRR ay pinuno ng DAR at DOJ IRR ang pumirma
Kalihim John R. Castriciones at Judge Menardo I.Guevarra
Kung saan ang DAR ang siyang naatasan talaga
Na sa IRR na ito ay siyang dapat na manguna

Sa IRR na  Executive Order  ay ano ang nakapaloob doon
Pagtukoy , Balidasyon, Paghihiwalay,Paglilipat at distribusyon
Nitong mga lupaing pag-aari ng gobyernong nakatuon
Kung hindi man tuwirang ginagamit na para sa agrikultura iyon

Magkakaroon muna ng imbentaryo para malaman
DAR ang magsasagawa sa tulong ng DENR
Mismong  DA o Dept.of Agriculture ang katuwang
Upang matiyak kung pwedeng ang mga lupa ay taniman

Kasama sa imbentaryo ang pagkaklasipika
Pati na rin ang slope na dapat isinasaalang-alang talaga
Sunod na ang gagawing transfer o paglilipat na
Proseso ng land aquisition at distribusyon ay isusunod na

Sino ngayon ang mga kwalipikado o tatanggap ng lupa
Magsasakang walang pag-aari o kulang sa 3 ektarya
Dapat talagang mamamayang Filipino at doon sa lugar nakatira
Na ang bilang ng taong pagtigil ay hindi bababa sa 15

Ngunit ang pinakamahalagang dapat na alamin
Yung tatanggap ba ay mangangakong aarugain
Kailangang taniman ito at maging produktibo sa gagawin
Seksyon RA 6657  na inamyendahan ay nararapat na sundin