image

Naging matagumpay ang isinagawang unang araw ng pagbabakuna sa Mandalaluyong City nitong nakaraang Sabado March 6, 2021, na kung saan umabot sa 65 na medical frontliner ang nabakunahan na kinabibilangan ng mga doctor, nurses at ilang empleyado ng Mandaluyong City Medical Center.

Pinangunahan ni Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos ang seremonya ng pagbabakuna gamit ang Sinovac vaccine para sa mga medical frontliners ng Mandaluyong City Medical Center, kasama sina MMDA Chairman Benhur Abalos, DOH Assistant Regional Director Dr. Maria Paz Corrales, Vice Mayor Anthony Suva, Councilor Benjie Abalos, MCMC Director Dr. Zaldy Zarpeso at City Health Officer Doc Alex Sta. Maria.

Kabilang sa mga unang nabakunahan sina Administrative Officer Dr. Cesar Tutaan administered by MCMC Director Dr. Zaldy Zarpeso, MCMC Nurse Arnold Bondoc at Dr. Catherine Quiroz. Ayon kay Mayor Abalos, mahalagang bagay ito sa ating mga frontliners bilang proteksyon at mabawasan ang pagkalat ng virus.

Nanawagan din ang alakalde sa mga Mandaleño, “patuloy nating hinihikayat ang lahat na magparehistro sa ating MANDAVAX na programa ng Pamahalaang Lungsod para sa pagbabakuna. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Medyo nadismaya rin ang alkalde, na sa dalawang araw na lumipas mula sa 160 na kaso ay umabot na ito sa 242, halos dalawang araw lang ang nakalilipas medyo pataas talaga, kung kaya kinakailangan siguro maglockdown kami ng ilang condos at streets kung kinakailangan, subalit di umano mag uusap pa sila ng city health officer para pag-usapan ang kanilang gagawin kung kailangan pa talagang magsagawa ng lockdown, dahil wala pang specific na barangay at parang naka sabog sila sa buong Mandaluyong. Paisa-isa, dala-dalawa, hindi naman dapat siguro akong matakot para mag lockdown agad-agad, ayon pa sa Alkalde.

“Nagsimula na po ang ating bakuna. Ito yung araw na binababa ko sa inyo. Sana po magparehistro na tayo para sa ganun kapag time na po ng ating general population, senior citizens at ating lahat sana ready kayo nakarehistro kayo dahil sabi ko nga kapag hindi kayo nagparehistro, hindi ko kayo pababakunahan.

Ayon naman kay MMDA Chairman Benhur Abalos, “Habang wala pang bakuna please maghugas tayo ng kamay, always wear your face masks and face shield at maging aware tayo sa distansya.”

image

image

image