Suportado ng Department of Education (DepEd) ang Valenzuela City sa mga inisyatibo at pagtutok sa kinabukasan ng kabataan makaraang parangalan ang siyudad bilang “most awarded and a leading local government” pagdating sa edukasyon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nararapat lamang na parangalan ang Valenzuela City dahil sa mga inisyatibo para sa kinabukasan ng mga mag-aaral na kung saan pinasinayaan ang dalawang gusali ng Lawang Bato National High School (LBNHS) at Canumay East National High School (CENHS).
Mula sa pagsisikap ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, pinasinayanan ang dalawang gusali bilang bahagi ng school infrastructure sa ilalim ng “Build Build Build” Program ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Lawang Bato National High School (LBNHS) na matatagpuan sa Barangay Lawang Bato ay mayroong four-storey building at 44 na classrooms para sa 3,282 Valenzuelano Junior at Senior High School students na mayroong 113 teachers at staff.
Habang ang Canumay East National High School (CENHS) sa Barangay Canumay East ay mayroong dalawang four-storey building na may walong classrooms bawat gusalipara sa 1,078 Junior High School students at mayroong 43 teachers at staff of CENHS.
Kasabay nito ang paglalaan ng mga multi-purpose activity center na para sa scholl activities and exercises ng mga mag-aaral mula naman sa inisyatibo ni Deputy Speaker and Valenzuela City District 1 Congressman Wes Gatchalian. [LOUIS TANES]