image

MAY sarili ng Molecular Diagnostic Laboratory ang Lungsod ng Mandaluyong, na kung saan ito ay itinayo sa loob ng compound ng National Center for Mental Health [NCMH] ng nasabing lungsod.

Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang isinagawang Inaugural Blessing ng Molecular Diagnostic Laboratory sa National Center for Mental Health (NCMH), na matatagpuan sa Barangay Mauway Mandaluyong City, kasama sina DOH Assistant Regional Director Dr. Gloria Balboa na ang nagrepresenta  ay si Dr. Maria Paz Corrales, NCMH Director Dr. Noel V. Reyes na renepresentahan naman ni Dr. Beverly A. Azucena of NCMH, City Health Office Head Dr. Alex Sta. Maria, MCMC Director Dr. Zaldy Carpeso at ang ating City Health Department-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng alkalde ang mga  kumpanya na tumulong kagaya ng  San Miguel Corporation at BDO Foundation na nagbigay ng high-capacity COVID-19 machines, test kits at iba pang kagamitan sa laboratoryo.

Ang Pamahalaang lungsod ang gumastos sa pagpapatayo ng gusali na umabot sa mahigit P22 Million, pahayag nito sa panayam ng mga mamamahayag. Samantalang labis-labis din ang pasasalamat ni Mayor Abalos kay NCMH Director Dr. Noel V. Reyes na siyang nag-alok ng lupa para pagtayuan ng molecular laboratory, kasama na rin ang Medical personnel at ilang empleyedo na siyang mangangasiwa sa COVID -19 testing at sa nasabing laboratoryo.

Dagdag pa ng alkalde, na sakaling matapos na ang pandemya sa bansa, maari pa rin itong gamitin sa mga may HIV cases at iba pang may kahalintulad na sakit.

Ang ating molecular laboratory ay may Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) equipment na makakapag-test ng mga specimens. Malaking tulong ito sa COVID-19 response ng ating lungsod upang mas mapabilis at mapadali ang pagte-test sa ating mga mamamayan. Magkakaroon ng parallel testing para sa pagbibigay ng permit at accreditation ng Department of Health, ayon pa sa Alkalde.

Sinabi pa ni Mayora, na ang pasilidad ay bukas para sa mga residente na naninirahan sa karatig na lugar ng Mandaluyong City. Pero, siyempre, prioridad pa rin ang mga taga- lungsod ng Mandaluyong.

 

image

image

image