image

Ang Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute [DOST-ITDI] ay nagsagawa ng webinar  o virtual event nitong nakaraang Marso 31, 2021 na ginanap sa Modular Multi-Industry Innovation Center (MMIC)   sa Industrial Technology Development Institute (ITDI) na tanggapan nito sa Taguig kung saan ito ay may temang “Backend Innovation Gives New Life to Wastes”.

Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. De la Peña ang nasabing okasyon kasama sina ITDI Director Dr. Annabelle V. Briones; Dr. Rowena Cristina L. Guevara, DOST’s Undersecretary for Research and Development. Si Director Dr. Annabelle V. Briones ang nanguna sa pambungad na pananalita kasunod naman nito ang mensahe ni DOST Secretary Fortunato T. de la Pena.

Dumalo rin bilang tagapagsalita sina Engr. Apollo Victor O. Bawagan of  CED OIC Chief and Supervising SRS; Engr. Joseph Herrera Supervising SRS at Senior SRS Mr. Oliver C. Evangelista. Sa ginanap na programa si  Engr. Apollo Victor O. Bawagan ang nagpaliwanag hingil sa MMIC Primer AVP and overview on MMIC services and modes of engagement. Sinundan naman ito ni Engr. Joseph Herrera na siya namang tumalakay hingil sa Nuts and Seed Oils at sa panghuli, ipinaliwanag din ni Mr. Oliver C. Evangelista ang tungkol sa Mix Blend Powder line.

Sa mensahe ni DOST Secretary Fortunato T. De la Peña hinikayat nito ang micro, small and medium enterprises, at mga kumpanya na gamitin ang Modular Multi-Industry Innovation Center [MMIC] ng Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) na lumikha ng mga bagong produkto na maaring maibenta sa mababang halaga na mula sa mga basurang itinatapon na lamang.

Ayong Kay De la Peña na ang Innovation center nakalaang tumulong o mag assist sa pangangailangan ng industriya pagdating sa  R&D lalo na pagdating sa by-product utilization; new product development; product equivalent; product variances and product reintroduction. Binanggit pa nito na kailangang magtulong-tulong ang publiko para muling makabangon ang bansa.

Matatandaang kamakailan lang, matapos buksan sa publiko ang pasilidad ng MMIC, nasaksihan mismo ni Secretary Dela Peña at ng ibang mga opisyal ng DOST at bisita ang mga produktong gawa sa kalamansi, katulad ng toothpaste, mouthwash at food suplement na mula sa balat ng kalamansi.

Sa ginanap na virtual event ng DOST-ITDI, ipinakita sa slides kung ano ang maaring magawa para sa pag-unlad ng industiya  gamit ang Modular Multi Industry Innovation Center (MMIC) o Innohub sa Pinas.

image